Jealousy

39 2 3
                                    

Siya, ay may crush sa isang kpop. Si Kim Tae Hyung. Para naman sakin hindi siya gwapo (mukha pang bakla), ewan ko kung bakit siya nagkakacrush sa kanya.

Lagi pagkachat ko siya, ang unang sinasabi niya ang nangyari kay Tae Hyung. Aba! Parang ako yung boyfriend niya ah, nagseselos pa ako.

Nararamdaman ko na siya na ang talagang gusto ko. Hinding hindi ako nagkacrush sa ibang babae dati, pero noong nakita ko siya. Siya na talaga.

Tinanong ko siya kung may boyfriend ba siya. Syempre namang isa siyang dyosang babae, imposible naman na walang boyfriend diba? Eh sabi niya wala. Ah baka nga binusted niya yung mga may crush sa kanya.

Tanong ko naman kung may nagkakacrush sa kanya, sabi niya rin wala. IMPOSIBLE! Aba! Parang alam na alam ko siya ah.

Pero sa tingin ko nagsisingungaling lang siya, imposible naman na walang nagkakacrush sa kanya sa kagandahan niya.

Tinanong ko naman kung madami ba siyang kaibigan na lalaki. Her answer is madami, syempre naman diba magseselos ka kapag ang crush mo madaming lalaking kaibigan. Nagreply lang ako ng 'Oh'. Di niya parin nararamdaman na may gusto ako sa kanya.

Grabe talaga ang mga dyosa

Manhid eh noh?

Crush koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon