Bigla akong nanlumo sa nakita ko at nanlamig ang buong katawan ko.
R.I.P/Julian Park/08.02.14
"No. no this can't be true... sabihin niyo hindi ito totoo!!" nanginginig na sabi ko sa kanila pero walang sumagot sa kanila
Nanlambot bigla ang mga tuhod ko at napa upo sa sahig. Nahihirapan akong huminga dahil sa pagpipigil sa mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko.
Hindi maaari. Hindi panaginip lang ito. This was just a bad dream. Tama panaginip lang ito kaya naman inayos ko ang sarili ko at agad na tumayo.
"Aalis na ako kelangan ko pang puntahan si Julian. Hinihintay niya ako" seryosong saad ko at nagsimulang maglakad pero bigla akong napatigil ng may biglang humawak ng braso ko at nakita ko si V
"Ano ba! bitawan moko Vincent hinihintay na ako ni julian" sabi ko at agad na binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya
"Wake up sera!! Accept it! Julian is dead at kahit kailan hindi na siya babalik pa kaya't wag kang hibang!" pasigaw na sabi niya na siyang ikinahinto ko
''Hindi! Hindi vincent at kahit kailan hindi ko yon matatanggap!" sigaw ko pabalik
"Wag mo ng pahirapan ang sarili mo sera wala na si julian iniwan na niya tayo" maluha luhang saad ni seth
"Bakit? nakaksigurado ba kayo na siya yan? Ha? nakita niyo ba ang katawan niya para masabi niyong toong siya yan? Hindi diba? kasi nga buhay pa siya!" sigaw ko pa
"Nasunog ang sasakyan niya sera kaya nang maabutan siya ng mga pulis ay sunog na ang kalahati ng katawan niya" si Jin naman ang sumagot sa pagkakataong ito
"ito na lang ang narecover ng mga pulis" Jonathan said at may inabot siya sa akin it'a a paper plane necklace.
Nanginginig na inabot ko iyon mula sa kanya. Kay julian ito alam kong kanya ito. It was my birthday gift to him.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak.
Dumaan ang mga araw at nailibing narin namin siya. Pero yung sakit na nararamdam ko ay hindi parin humuhupa.
Nagkahiwahiwalay kaming magkakaibigan mas mabuti narin siguro yon para maka pag move-on kaming lahat. Minabuti na muna naming mag kanya kanya.
Dumaan ang mga araw, linggo, buwan at taon ng wala kaming balita sa isa't isa. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong nangungulila sa kanya. Wala akong ibang ginawa kundi ang mag mukmok, pumasok sa paaralan, at magmumukmok uli pagkauwi at umiyak hanggang sa maka tulog ako.
"Hey" my brother came
'hey" I answered.
"Naaalala mo na naman siya?" tanong niya
"hmm. hindi ko maiwasa eh" honest na sagot ko naman
"matagal tagal narin pala... namimiss ko na sila" he said
"hmm. tatlong taon narin ang nakalipas. Kamusta na kaya sila?" I answered. Matagal tagal narin pala pero hanggang ngayon andito parin ako hindi makaalis sa sitwasyong iyon.
"Don't you think it's already time to let go sera? Matagal narin ang tatlong taon, patahimikin mo na siya." he said as he gaze at me.
"*sigh*"
"Let go sera... Free yourself from that stage and start a new one. Alam ko yun rin ang gusto ni julian" sincere na sabi niya
"Maybe you're right V, Its time to let go and accept the fact na talagang wala na siya" malungkot na saad ko pa at hindi ko na naman mapigilan ang mga luhang nag uunahang kumawala sa mga mata ko.
"Sige lang umiyak ka lang ng umiyak hanggat gusto mo pero pagkatapos nito bumitaw ka na at simulan uli ang buhay mo." sabi niya habang yak ako at hinahaplos ang buhok ko
"I missed him V, I missed him so much" iyak na sabi ko
"I know, i know... I missed him too. We all missed him" he sadly said.
Kinabukasan pumunta ako ng park kung saan madalas kaming tumambay noon. Umupo ako sa ilalim ng puno at nag mumunimuni inabot rin ako ng halos isang oras doon bago ako nagdesisyon na umalis na.
Kinuha ko ang kwintas sa bulsa ko at tinitigan ito.
"I guess this is goodbye... Kelangan na kitang bitawan. Goodbye julian" I said as the necklace slowly falling on the grass and then I walked away.
I headed to the airport kasi ngayong araw na ito uuwi na kami ng pilipinas. Iiwanan ko na ang lahat ng mga masasakit na ala-ala dito sa korea at magsisimula ng panibagong ala-ala sa pilipinas.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Fanfiction"I think it's already time to let go, goodbye my love." - Serafynne Kim