"Thea pahiram naman ng notes mo sa entrepreneur." Tinabihan mo ko sa upuan ko nun.
Tinabihan mo ko. Chill Thea. Chill.
Kinuha ko yung notebook ko sa bag at inabot sa'yo yung notebook ko.
"Hindi ka nanaman nagsulat! Katamaran mo" sabi ko sayo. Hindi tayo ganun kaclose pero nakakapagbiruan naman tayo. Normal classmate.
"Sorry na boss. Mas gusto ko nalang titigan ka kesa magsulat ng lecture" Nakatingin ka sa mga mata ko habang sinasabi mo yan. Tumawa ka pa. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Malala na 'to.
Wag ka namang ganyan nathan.
BINABASA MO ANG
That Diary [Short Story]
Short StoryDear Diary, Hanggang kailan ako aasa? ❤Short Story❤