"Thea!"
Lumingon ako kay Gina, isa sa mga kaibigan ko.
"Bakit?" Ngiting ngiti si gina habang sinabing "Wala." Nakangiti pa din. Hala, baka baliw na 'to? Nasobrahan siguro sa aral. Kasalanan to ng teacher namin sa math na panay ang test! Huhu.
Hindi ko nalang inintindi si Gina. Maya maya tinawag niya ko ulit.
"Bakit ba? Isa pa. Masasapak na kita" Mukha naman siyang natakot at lumapit sakin saka bumulong, "Si Nathan kasi nahuli kong tingin ng tingin sayo." sinabi niya yan ng kinikilig.
Tumingin naman ako sa pwesto ni Nathan.
Hindi naman. "Huwag mo akong pinaglololoko Gina." sabi ko sa kanya na medyo ngingiti ngiti. Ayokong umasa! Enebe. "Bahala ka, akala mo namang nagloloko ako. Ayan ang hirap sa'yo eh. hindi ka nagtitiwala sakin." Putspa. Humuhugot nanaman to.
"Gusto mo ibaon kita?" Pagalit kong sabi. "Hala, anong ibaon? Yay. Si Thea ang bastos!" Nanglalaki pa yung singkit niyang mga mata.
"Putek! Anong bastos? Ikaw, napakaberde ng utak mo!"
BINABASA MO ANG
That Diary [Short Story]
Kısa HikayeDear Diary, Hanggang kailan ako aasa? ❤Short Story❤