4#Meeting

16 2 0
                                    

Continuation...

Habang naglilinis kami, may nag anunsyo na pagkatapos daw eh sumali kami sa meeting. Di 'ko alam kung anong meeting yun, pero pinapasali kami.

Binilisan na namin para matapos na agad. Naghintay lang si mama sa labas, hanggang sa matapos yung meeting. Actually lahat ng council sa chapel nand'on pa para makinig din sa meeting.

--

Pagkatapos namin maglinis eh umupo na kami sa silya. Agad din naman silang nagsimula.

Unang speaker ang pumunta sa harap at nagpakilalang kuya Charlie. Pinaliwanag niya kung bakit kami nandito, tsaka anong meeting 'to. Naintindihan ko naman xD

Nakinig lang ako, pero nilingon-lingon ko yung ulo ko sa iba na nandito. Marami pala kaming umattend sa meeting. Pero me nasulyapan lang akong isang lalaki't babae, naguusap. Yung lalaki pamilyar yung mukha, pero pareho ata silang council dito eh.

Ehem, nasobraan lang ata ako. Nasobraang sumulyap xD
Nagulat ako no'ng humarap na 'ko, tapos na palang mag speech si kuya Charlie. Pero di pa tapos, me last speaker pa. Dyusko kelan ba matatapos 'to, inaantok na 'ko -.-

Pero nawala yung pagkaantok ko no'ng humarap na't nagpakilala yung last speaker. Ayletse, eto yung lalaki kanina ah? -.- Nakatulala lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Di ko na alam kung ano na sinasabi niya.

Matapos niyang magspeech eh me dinagdag pa sya. May bitbit siyang malinis at buong papel, nagrequest siyang pwede bang ilagay do'n mga cellphone #'s namin. Yung ibang babae nagmadaling pumunta't atat na atat isulat yung # nila. Ang sarap batukan ng silya -.-

Sabay kaming nagsulat ni mae. Pagkatapos nagpaalam na't nagpasalamat sa mga speaker.

Naglakad lang ulit kami ni mama, kasama si mae pauwi. Pagdating sa bahay knock down ako. Mga 10:30pm na ata yun eh. Dumiretso na 'ko sa higaan, at nagpahinga na.

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon