2#Mama's Girl xx

17 2 0
                                    

Summer ngayon, dapat marami akong ginagawa. Tulad ng ano, nagsusulat dito. Tsk. Parang araw2 na nga ata 'to eh. Eto na yung daily routine ko -.- Gusto ko sanang lumabas kami ng insan kong si jhan eh, para malibang naman ako, este kami.

Pasado alas sais ng gabi, nakaupo lang ako sa sala habang nanonood ng TV. Napansin ko si mama na pabalik-balik ba sa kwarto niya. Tsaka naibaling ko sa kanya'ng buong atensyon ko. Para bagang gusto kong itanong na me bulate ba 'to sa puwet -.- Lakad ng lakad eh. Di mapakali.

AKO: "Ma?"

MAMA: "Ano?"

AKO: "Okey ka lang?"

MAMA: "Bangag! Oo naman! Nagmamadali lang ako kasi me misa sa kapilya natin. Gitarista ako remember? -.-"

MAMA: "Aw Hihi. Akala ko kung ano na eh. Kung lalabas na ba yung bulate XD"

SIYA: "Ha? Pinagsasabi mo? Magbihis ka na lang kaya anak kasi isasama kita. Wagkanang ano! Magbihis na. Dali!"

Si mama talaga, kahit kelan parang kaibigan lang turing sa 'kin. Nadadala tuloy ako. Pero mataas pa rin respeto ko.

AKO: "Ma naman eh, eh di ba alam niyo naman ho ako? Tsk. Ayaw."

MAMA: "Ay naku! Magsimba ka! Ilang taon ka na sigurong di nagsisimba sa kapilya natin eh! Gustong gusto mo do'n talaga sa malaking simbahan. Ang arte mo! Magbihis ka na kung ayaw mo kalagkarin pa kita sa labas?"

AKO: (Natakot, nagmadaling naglakad patungong kwarto para magbihis)

Dyusko, kahit papaano ayoko paring magalit mama ko. Iba eh! XD

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon