***Regret***
Hindi ko akalain na aabot ng maraming taon. Ang pagiging magkaibigan naming tatlo. We were still young nung araw na nagkakilala kami sa isa’t isa.
We were still strong together. Pero isang kahapon na lang yun. At ngayon medyo may nasasaktan na din. Ang tinutukoy ko, ang aking sarili. Matagal ko ng tinatago ang nararamdaman ko.
Hanggang ngayon wala akong magawa dahil may mahal na siyang iba. Okay na sana pero bakit ang isang bestfriend ko pa.
May dalawa akong kababata na kasama ko kahit sa panahon na nasa baba ako. Si Mikaela at ang natatanging lalaki si Gerson. Sa hinaba haba ng pinagsamahan namin at pinagdaanan namin magkakasama. Isang bagay lang pala ang malapit ng pumutol nito at yun ay ang PAG-IBIG.
PAG-IBIG ko sa taong may mahal na iba?
Sometimes I realize na kailangan ko ng sabihin sa kanya ang lahat pero wala. Ni-isang salitang pinagpraktisan ko ng matagal ay hindi ibinuka ng aking bibig. Kailangan ba talagang maging ganito ang sitwasyon namin? Bakit pa kasi siya? Pwede naman ibang lalaki.
Ang hirap ng ganito. Lahat na kasi ng paraan ginawa ko na para lang maitago ang nararamdaman ko. Katulad ngayon kahit masakit at ayaw ng puso ko kailangan e. Masyado naman kasi akong mapapaka-selfish kung aayaw ako. Kahit papaano kaibigan ko sila at kahit ang nakataya dito ang sarili kong kaligayahan.
***************
Masyado kasi akong na-curious sa sinabi sakin ni Gerson. May sasabihin daw siya sakin at sa rooftop pa ng school kami maguusap. Ewan ko ba kung anong sasabihin niya.
Bigla na lang akong napangiti dahil naalala ko kung paano niya ko kinausap sa room. Alam niiyo yung tipong may gusto kang sabihin sa kaklase mo kaso malayo siya. Tapos kukuha ng isang patapong papel sa likod ng notebook mo. Isusulat ang nais mong sabihin at tapos nahuli kayo ng titser niyo dahil may pinapasa kayong papel. At syempre ang may pakana ay na face-to-the-wall bilang kaparusan.
Papahuli ba ang titser mong isa ding chismosa. Syempre, babasahin niya yung nakalagay sa papel. At hindi lang yan igru-group message pa sa buong klase. Diba? Ang sayang titser.
“Nikki, Meet me later sa rooftop. I have something to tell you. Don’t be late. :)) --GERSON” sabi ng titser mong ipinagsigawan pa sa buong klase.
Ang mga kaklase mo namang kinilig dahil sa narinig ay bigla na lang mapapatayo sa upuan, mapapasigaw ng “AAYYIIEE”, mapapalakpak, maninipa ng ibang upuan, kakalampagin ang bangko kahit ang nasa ilalim ng room ay prinsipal’s office, mapapahataw sa katabi at mapapasuntok. Masyado na yatang O.A. pero totoo diba?
*kkkrrriiinnnggg*
Bago pa man mag-bell. Sign for our dismissal ay nagpaalam na ang mokong para mag-cr pero hindi na bumalik. OTW na sa rooftop. Medyo mahabahabang lakaran at pag akyat sa hagdan ito. Sino bang inhinyero ng mga school building? Pwede bang gumawa naman kayo ng escalator o elevator. Sa mga inhinyero sige naman gumawa kayo napapagod na kaming mga estudyante. Sadyang tamad lang ang paa ko.
After 465498 years nakarating din ako sa rooftop. Nakita ko si Gerson nakatingin sa malayo. Malalim ang iniisip. And my heart start to skipped a beat. Kinakabahan ako sa sasabihin niya sakin. Is he confessing he love me? or Anything that might hurt me?
Nagsimula na akong maglakad papunta sa lugar kung nasaan siya. I just poke him to his shoulder. At tumingin na siya ng sersyoso aking mga mata. Piling ko kinikilatis niya ako. Pero nakita ko na lamang ang luhang pumatak sa kanyang mga mata. I really don’t have any idea kung bakit siya umiiyak sa harapan ko. Deep inside my heart I feel loneliness.
BINABASA MO ANG
Regret
Short StoryPAG-IBIG ko sa taong may mahal na iba? Sometimes I realize na kailangan ko ng sabihin sa kanya ang lahat pero wala. Ni-isang salitang pinagpraktisan ko ng matagal ay hindi ibinuka ng aking bibig. Kailangan ba talagang maging ganito ang sitwasyon nam...