Ch. 6: Welcome to Japan! :D

136 1 0
                                    

MR. ANIME || @ilovechloeXOXO

---

WOW! As in wow! Hahaha. Ang ganda dito sa Japan. Grabe! Na star struck ako. Dito na kami ngayon sa kotse nila Tito Nandy papunta sa bahay nila. Sa Tokyo sila nakatira.

"Ate Mara, grabe ang ganda ganda pala dito sa Japan!"

"Hahaha. Ikaw talaga Fhia! Bukas itotour kita sa tourist destination dito sa Japan. Pero dito muna tayo sa Tokyo mag start" ayieeee! excited na ko.

"Hmm. Ate diba marunong ka mag Japanese?"

"はい。なぜですか?" (Yes. Why?)

"Ha? Tinanong lang kita sinagot mo na ko ng Japanese? Eh ikaw na may alam! Hahaha"

"Hahaha. Sabi ko 'Oo. Bakit?' Siyempre marunong ako dahil dito ako nakatira"

"Ah. Hehe. Turuan mo ko ha?"

"Sure!"

"Girls nandito na tayo!"

WOW! Andito pa lang kami sa gate at tanaw ko mula rito sa kotse kung gaano kalaki yung bahay nila. Mas kasing laki yung bahay namin ng kanila kaya lang yung magkaroon ka ng malaking bahay sa ibang bansa? AS IN WOW TALAGA! :D

"Fhia, 日本へようこそ!"

"Ano ate? Ayan ka na naman. Alien ka na naman mag salita! Haha"

"I said 'Welcome to Japan!'. Atska sa lugar na to ikaw ang alien. Hahahaha"

Oo nga noh?! Hahahaha. Di ko naisip yun :D

"Mara ipasyal mo si Chloe bukas ha? Tutal next week pa naman start ng pasok mo"

"Sure daddy! Ako ang magiging tour guide ni Fhia dito sa Japan"

"O cge mauna na muna ko ha? Dederecho pa ko sa work ko. Madaming trabaho ang nag aantay sakin"

"Pero tito mag gagabi na po ha?"

"Hay naku! Ganyan talaga yang si Daddy. Subsob sa trabaho"

"Okay lang Hija. Uuwi din naman ako agad. Cge na mauuna na ko"

"Cge po Tito. Ingat po"

Ayun umalis na si Tito. Parehas sila ni Daddy. May pagka workaholic. Hmm. Excited na ko bukas mamasyal kasama si Ate Mara. 

"O Fhia dito yung room mo. Naayos na yan ng maid. Pero kung may babaguhin ka, okay lang. Sabihin mo na lang kay Manang na tulungan ka"

"Hindi na ate. Ang ganda na ng pagkakaayso ng room na to" Kasing laki to ng room ko sa Pilipinas. Mukhang hindi naman ako mamamahay dito ^___^

"Cge na Fhia magpahinga ka muna. Tatawagin na lang kita pag mag didinner na tayo"

"Okay Ate!"

Ang ganda ng kwarto ko. Tumalon agad ako sa kama. Grabe! Heaven! Napaka lambot. Ang lamig pa ng aircon. Makapikit nga muna. Medyo masakit na rin mata ko eh.

....

....

....

"Fhia? Fhia? Kakain na tayo?"

Hmmm. Napamulagat ako ng mata. Nakita ko si Ate Mara. Ginigising ako. Nakatulog pala ako. Masyado kasi rin ako napagod sa byahe. First time kasi.

"Ay! Nakatulog pala ako Ate.  Anong oras na po ba?"

"8pm na. Mag didinner na tayo sa baba"

"Ang tagal ko palang natulog. Sana kanina mo pa ko ginising Ate para nakatulong ako sa paghahanda ng dinner natin"

"Ano ka ba? Okay lang yun. At alam kong pagod ka. Sina Manang na ang bahala dito sa bahay" Ang bait talaga nito ni Ate Mara.  

Bumaba na kami sa dinning nila Ate Mara. Ang laki ng dinnning nila. Mas malaki samin. Pero ang grabe dito ay BAKIT ANG DAMING PAGKAIN??

"Bakit ang daming pagkain ate? May bisita ba tayo?"

"Ikaw! Ikaw ang bisita namin. Pinaluto ko kay Manang yung mga masasarap na Japanese Food"

"Ang dami naman. Hindi ko naman mauubos yan lahat! Pero anyway thank you sa food"

"You welcome!"

Ang sarap ng mga pagkain. Nakakakain naman ako ng Japanese food sa Manila but iba yung sarap ng Japanese food made in Japan talaga :)

"Hayyyyy. Nabusog ako! Ang sarap naman! Thank you po ulit sa foof" isasama ko na sa list ng favorite food ko ang mga Japanese food.

"Sabi sayo masarap eh. Your welcome :) Sige na umakyat ka na sa kwarto mo. Matulog ka na ng maaga at maaga tayong aalis bukas"

"はい!" (Yes!)

"Wow! Marunong na mag Nihonggo"

"Hahaha. Nabasa ko lang sa Travel book na dala ko kanina. Yun lang naman alam ko eh"

Umakyat na ko sa kwarto ko. Binuksan ko yung TV. Kaya lang puro Japanese yung channel. Hindi ko maintindihan. Pinatay ko na lang.

"Excited na ko bukas! :D Makatulog na nga para maaga magising bukas"

Tomorrow will be a new adventure, new journey and new chapter in my life :)

 *A/N: abangan nyo yung mga susunod na chapter okay? magiging exciting na yun for sure! :)

Mr. AnimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon