Chapter 1

43 2 1
                                    

"Gecks, medyo awkward lang talaga kayo ni Julian ah. How come na magkaibigan pa'rin kayo kahit na mag-ex kayo? Ang weird niyo. Sobra." Ayan na naman si Chelsea. Itatanong at itatanong na naman niya yung samin ni Julian. Gulo nitong babaeng 'to.

"Alam mo, Chels. Di naman porket mag-ex kami eh, di pwede maging friends. Saka we're in good terms naman, walang bitterness, di katulad ng ibang mag-ex dyan noh." Paliwanag ko sa kanya. Siguro mga libong beses ko ng pinaliwanag sa kanya, pero ayaw maawat sa kakatanong. Nahihirapan tuloy akong magconcentrate sa seatwork na pinapagawa ni Prof. Garcia, ang prof na puro pa-seatwork. Kaloka.

"Oo, alam ko naman yun, na pwedeng maging friends. Pero sobrang bilib ako sa inyo na wala kayong bitterness sa isa't isa ah. To think na parehas kayong in a relationship ngayon. Grabe lang. Wala man lang ka bang kaunting selos na nararamdaman? Imposibleng wala noh." Kulit talaga nito ni Chels. Parang tandang, tilaok ng tilaok. 

Though, totoo na magkaibigan kami ni Julian na Ex ko at ngayon parehas kaming in a relationship. Ako kay Gary at siya kay Marga. 

"Chels, magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala akong nararamdamang selos, pero di naman yung OA na pagka-selos. Sobrang maliit na percent lang. Pero dati pa yun, nung medyo bago pa lang sila." Nauna kasing magkaroon ng relasyon si Julian after ng break up namin. Halos 3 buwan din yun after. Parang sinunod nya yung 3-month rule. Di nyo naman ako masisisi kung namimiss ko yung lambingan namin. Pero ngayon, di kona inaalala yun dahil I'm trying to be a good girlfriend for Gary. 

"Ah, so yun naman pala. Dati pa? I see. So I gues talagang nagwowork-out pala yung ganyan noh, yung mag-ex tapos naging friends. Oh wait, bestfriends pala." At ayun po, tumigil rin si Chelsea sa kakakulit.

Maya maya pa ay pinapasa na nitong tamad na si Prof. Garcia yung seatwork na pinapagawa niya. Kahit na dinaldal ako ni Chels eh natapos ko naman, ewan ko lang sa tandang na 'to kung natapos niya yung kanya.

Sakto naman na nagbell na, hudyat na oras na para sa breaktime namin.

Pagkalabas ko ng classroom namin, kita kong nakaabang na si Gary sa may labas.

"Ayan tayo eh, may sundo na eh. Hayyy, ikaw na. Ikaw na talaga ang mayboyfriend. Paano mo ba kasi napikot yang si Gary."

"Excuse me, nagpikutan lang kaming dalawa noh. Haha!" Iniwan ko na si Chelseang baliwbaliw at sinalubong si Gary.

"Ang aga mo ah." Paunang sabi ko sa kanya. Agad naman niyang kinuha ang mga textbooks na nasa kamay ko at nagsimula kamng maglakad papuntang cafeteria.

"Maagang nagdismissed yung prof. Si Julian nga din, for sure maaga niyang sinundo si Marga sa nursing building." Sagot ni Gary.

Magkaklase kasi sila ni Julian. Mga accountancy student naman sila. Okay naman sila ni Julian. Okay si Gary na friends kami ni Julian dahil alam naman yang wala ng posibilidad na maging kami ni Julian ulit.

Nakahanap kami agad ng bakanteng table. Sakto naman na dun rin paupo sila Marga at Julian.

Nagbatian kami. Smile smile lang. Tango tango. Casual lang. Ganun.

"Babe, anong gusto mo ngayong kainin? Ako naman ang bibili ah, ikaw na kahapon eh." Lambing ni Marga kay Julian.

"Sige, babe. Pero ikaw na lang bahalang pumili." Sagot ni Julian.

"Ikaw, Gecks. Anong gusto mo?" tanong ni Gary sakin.

"Hmm, yung adobo lang. Saka pwedeng add mo ko ng 2 extra rice. Medyo ginutom ako dun sa seatwork namin kanina eh."

Umalis si Marga at Gary para bumili at kami ni Julian ang naiwan sa table.

"Juls, kamusta? Bakit di ka na nagreply kagabi?" tanong ko.

"Ah, tinawagan ko kasi si Marga. Medyo napahaba kwentuhan namin."

"Naks, akala ko wala ka na naman load."

"Gecka kulit, lagi na kong may load ngayon. Asensado na ko noh."

"Hayop. Gumaganyan ka na ah. Akala mo ikaw lang. Teka, sabi nga pala ni Lolo Yanks dalawin mo naman daw siya. Di daw porket nagbreak tayo, kakalimutan mo na siya."

"Oo kamo. Dadalwin ko siya, baka next weekend."

Naputol ang kwentuhan namin ng dumating sila Gary at Marga.

"Baby, sinigang na hipon 'tong binili kong ulam sa'yo ahh." Tinignan kong mabuti ang mangkok na siniserve ni Marga ta walang dudang sinigang na hipon nga. Nagpapatawa ba 'to? O di niya alam na allergic si Julian sa seafoods.

"Ah, talaga?" Yan lang ang sagot ni Julian. Parang ayaw naman niyang sabihin kay Marga na allergic siya rito. Siguro ay ayaw niyang madisappoint ang girlfriend niya. 

Maya maya pa, nagsimula na kaming kumain. Ngunit napansin kong di ginagalaw  ni Julian ang pagkain niya. Pero napansin rin ito ni marga.

"Babe, ayaw mo ba nung binili ko? Bat parang di mo binabawasan?"

"Bumubwelo lang ako, babe. Ikaw naman oh." Biro nitong ni Julian at aakmang isusubo, ang isng kutsarang may kanin at may laman nung hipon. Sige Julian, magmalaki ka at isubo mo yan, malilintikan ka sa'kin.

At, palapit na ng palapit ang kutsara nito sa bibig niya. Parang slow motion ito sa'kin. Nakabuka na ang bibig nito at di talaga papatinag 'tong si Julian ah. At, isinubo na nga. Napalo ko ang kamay niyang hawak yung kutsara.

"JULIAN! ANO BA NAMAN?! ALLERGIC KA SA SEAFOOD TAPOS IPIPILIT MO PA. PARANG BIRO LANG ANG NANGYAYARI SAYO KAPAG INATAKE KA NG ALLERGY MO HA! SUBUKAN MONG LUNUNIN YAN!" 

Napatingin ang lahat sa sigaw ko. Pero kakaiba ang tingin ni Marga. Parang iiyak.

"Babe, bat di mo naman sinabi na allergic ka dyan?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My EX is now my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon