March 17, Tuesday

13 0 0
                                    

Nag-break na pala sila Sir at Janine. Kaya pala nagdidiwang ang mga bakla sa pantry. Me pa-cake pa. 

Nalaman ko lang kay Jessie. Seriously, Jessie?! Kalalaking tao, masyadong tsismoso? LOL

Anyway. sabi nga ni Jessie, tinanggap daw ni Janine yung offer sa KL para mag host ng isang travel show.

Ang usap-usapan daw ay gusto ni Janine na makipag-LDR kay sir kasi almost 2 years pala yung kontrata.

Eh ayaw daw ni Sir ng ganon. Saka, nainis daw si Sir na di man lang nagsabing me planong ganoon. Sabi naman ni Janine, minsan lang daw sa buhay niya ma offeran ng ganoon.

Kaya ayun, break agad.

Pero feeling ko, nagdadahilan na rin to si Sir. Paano ba naman, minsan nakukwento pag may meetings kami na pagod na daw siya sa relasyon nila ni Janine. High-maintenance daw.

Di ko alam kung anong meron sa akin, pero talagang nashare niya yon. Di naman ako nagtatanong.

Madalas kasi ako pina-paorder niya ng kung ano-anong gifts kay Janine. Lalo na pag me LQ, kaya siguro nasabi.


Napagod na rin siguro sa kakatingin sa akin ng masama tuwing may side comments ako. Alam kasi niyang di ako basta-bastang sesantehin. Backer ko kaya dad niya.

Well, at least single na siya! At wala ng magdo-donya-donyahan ulit sa office.

Bwahahaha!

Obsessed With My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon