April 28, Tuesday - 5:30PM

10 0 0
                                    

Kasama ko si Jessie mamili sa Landmark ng susuotin.

Sabay na kami kasi kasama rin pala siya sa meeting, bilang EA siya ni Sir Patrick.

Habang namimili ako ng susuotin kong LBD, nagkwento na naman siya.

Sabi niya, mukhang mas seryoso sila Janine at ang boss niya. Kasi naman si Sir Patrick daw ang may gusto talaga kay Janine.

Madalas daw mag Skype yung dalawa, saka lagi daw siyang nag-oorder ng kung ano-anong regalo para kay Janine na nasa KL pa rin ngayon.

Well, at least mukhang masaya si Sir Patrick.

At least single pa rin si Sir Elliot hanggang ngayon.

Nung sinukat ko na yung damit na napili ko, seryosong nakatingin sa kin si Jessie.

Err. Ang awkward. "Uy, bagay ba to?"

"Ang ganda mo diyan, Sharlene."

"Ngek, ano nga bagay ba? Kukunin ko na ba to?"

Natameme na si Jessie. Nag-alangan tuloy ako. "Mukhang di bagay, yung isang may sleeves na lang."

"No!"

"Anong 'No!' pinagsasabi mo diyan?"

"I mean yes, bagay sa yo. Yan na kunin mo. Wag na yung isa."

"Oh siya. Babayaran ko na to. Ikaw? San ka bibili ng dress shirt mo?"

"Hah? Ay hindi, sinamahan lang talaga kita."

Ang weird din nitong si Jessie minsan.

Obsessed With My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon