Chapter 2

4 1 0
                                    


Umalis ako ng bahay ng namumugto ang mata. Ako na siguro ang pinakatangang babae sa buong campus! Tinanggap kong maging invicible girlfriend dahil sa mga bashers na pwede kong ikamatay, sa mga panglalait dahil hindi ako perfect. Hindi ko alam kung kasalanan ko ba to dahil naging mahina ako at nagpadaig sa takot o kasalanan ng utak ko dahil tinolerate ko ang pagka-gago niya.

Ang tanga ko. Ang tang----- AY ANAK KA NG PUT*NG IN*NG MAMATAY NA AKO.

Nadapa lang naman ako sa katangahan. Ay grabe na to! Feeling ko eto na ang pinakamalas na araw sa buong buhay ko.

Nakarating ako ng campus. Mukhang normal ang lahat, siguro kasi ako lang yung naaapektuhan ako lang yung talo sa laban na to. Kumain ako kasama ang barkada pero tulala lang ako, iiyak bigla-bigla at hindi makausap.

" Ano ba namang nangyari kay yen, naaawa ako sakaniya. Samantalang masayang nakikipaglandian yung ex niya " - Troy

Agad naman akong napatingin sa direksyon kung saan nakatingin si troy at ayun nga. Sumampal sakin ang katotohanan. Na pinagpalit niya ako sa kaibigan daw niya, sa taong di ko dapat lagyan ng malisya. Ngumiti ako, isang sobrang bitter na ngiti.

Maybe its time for a change, Uso yun diba? Sabi kasi nila lahat halos ng nabibigo sa pag-ibig e gumaganda o gumagwapo! Masubukan nga.

Tumayo ako. Nagpaalam at ngumiti sakanila,

Pagbalik ko dapat tanggap niyo ako okay? Dapat masaya kayo at susuportahan niyo ko. Help me move-on i've recieve something im not supposed to feel.

***

Sam's POV

Pagbalik ko dapat tanggap niyo ako okay? Dapat masaya kayo at susuportahan niyo ko. Help me move-on i've recieve something im not supposed to feel. - Yen.

I dont know what to feel para sa kaibigan ko. To tell you honestly naging mabuti siyang girlfriend kay josh, she even sacrifice us friends niya na di makita para lang di sila mag-away.

October 17, 2014

" Bes, bakit ganito? Bakit di niya ako maintindihan. Alam naman niyang president ako ng organization natin diba? Dapat naiintindihan niyang hindi sa lahat ng oras e nasa kanya ako. I have my priorities! At di lang sakanya umiikot ang mundo ko! " - yen

" Birthday ko ngayon, please naman wag ka ng umiyak. Kumuha ka nalang ng gamit sa dorm mo at sa bahay ka na matulog, overnight din lahat ng barkada. And Mom is expecting you to come. Taha na okay? " - me trying to light up the mood, ang bigat sa pakiramdam na ganito ang pinagdadaanan niya.

" Sige, uwi mo na ako. Kita nalang tayo sa harap ng campus okay? (Punas luha) Una na ako "

Akala ko okay na, nakita ko na siyang papalapit sa may main gate ng campus dala ang isang bagpack at cellphone sa tenga. Naaawa na talaga ako sakaniya, hindi dapat siya tinatrato ng ganun.

" Ano bang gusto mo ha? Birthday ni sam ngayon! Pwede ba. Bigyan mo naman ako ng space para makahinga! Sakal na sakal na ko ee. " - yen

" Sige sumama ka!!! Sumama ka sa mga kaibigan mo. Total ano? Sila naman yung mas matimbang diba? Sila naman ung pipiliin mo dahil second option lang ako!!! Kasi nga boypren mo lang ako!!! Alam mo bang ang sakit-sakit na?? " - josh

" Grabe lang ha, ikaw pa tong nasasaktan? Ako na nga tong hinihigpitan mo, inaakusahan mo ng kung ano-ano pero in the end ikaw pa pala tong dehado. Grabe! " - yen,
tuloy-tuloy na ang patak ng luha niya.

" Sige, pag sumama ka sakanila magkalimutan nalang tayo okay? Ge. Bye! Pakasaya ka. " - josh

Wala na nagbreak-down na siya, nakaluhod at humahagulgol. Ewan ko nga din sa kaibigan kong to, grabe ang pagtitiis sa lalaking yun!

20 minutes din siyang iyak ng iyak. Hanggang sa tumayo siya, niyakap ako, binati ng happy birthday at babawi daw siya bukas. Naglakad siya papalayo, iyak parin ng iyak.

End of flashback.

Isa palang yan sa mga nasaksihan kong pag-aaway nila. Hindi naman siya sinasaktan physically (Good thing) Pero diba? Mas masakit yung mura-murahin ka at ipagduldulan ang mga bagay na hindi naman totoo. Babae parin si yen, and she deserve respect!

" Hoy bruha! Nakatulala ka jan, pumasok na lahat ng langaw sa bunganga mo. Yun nga lang namatay sila, kawawa naman. " - Pang-aasar ni Nikki sakin.

Nagtatawanan ang lahat. Nang biglang maputol to sa boses ng lalaking nasa harapan namin, lalaking pahirap sa kaibigan namin, lalaking hayop pa sa hayop!

" Si yen? We need to talk. " - josh

-------

"REBOUND"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon