Game for Love

37 3 0
                                    


Isang araw habang nanunood si Mia Mendez, isang high school student, ng laro ng crush niyang basketball varsity player sa sideline ng court.

Mia: Go, my loves! Talunin mo 'yang mga 'yan!


Sigaw niya na hindi binabanggit ang pangalan ng crush niyang si Mark Pascual kasi siguradong mabubuking siya.


Hiyaw siya nang hiyaw hanggang sa.. *BAM* Tinamaan siya ng bola at napatumba siya.


Mia: Aray ko po! Juice ko po, pakitawagan po ang nanay ko. 911 ang cellphone number niya. Tapos 'yung tatay ko, 117 naman. Pakisabi sa kanila na mahal ko sila. Pa-try na rin pong i-text ng EXTEND ang 8888. Huhu, for longer life.


Naglapitan ang maraming tao at nagsigawan hindi dahil sa nangyari kundi dahil sa kaOA-yan ni Mia na daig pa ang isang taong nabaril. Nakahiga pa rin siya habang hinihimas-himas ang kanyang noo na wari'y hilong-hilo.


Bakla1: Girl, ano ka ba? Natamaan ka lang ng..


Mia: Natamaan?! Ng ano?! Waaah, sabi na nga ba ligaw na bala 'to eh--


Bakla2: Girl, natamaan ka.. ng bola! Ligaw na bola, girl. Hindi ligaw na bala. Kaya pwede ba? Bumangon ka na nga.

Mia: Huh? Ayoko nga.. P-Paano kung maiwan ko 'yung kaluluwa ko?

Nagtawanan ang lahat ng nakarinig pero natahimik din agad nang tumakbo palapit ang nakatama sa kanya. Walang iba kundi si Mark, yung crush niya.

Mark: Excuse me! Excuse. Miss, ayos ka lang?

Mia: Nasa langit na ba ako? San Pedro ang gwapo mo pala.

Mark: Miss, gusto mo dalhin kita sa clinic?

At doon nagising si Mia sa realidad kaya ito biglang napabangon mula sa pagkakahiga sa sahig nung court.

Mia: H-Huh?

Mark: Malakas yata 'yung tama sa'yo, Miss. Halika, punta tayo sa clinic.

Mia: Naku, matagal na akong tinamaan sa'yo.. Este, ayos lang ako. B-Baka magalit pa yung g-girlfriend mo 'pag nakita niya na hinahatid mo ako sa clinic.

Namula ang mga pisngi ni Mia at natawa naman si Mark. Naguluhan tuloy si Mia.

Mia: B-Bakit ka tumatawa?

Mark: Wala akong girlfriend, Miss.

Mia: Single ka? Wala kang gf? Shota? Jowa?

Mark: Oo, Miss. Bakit?

Mia: K-Kasi.. C-Crush kita. Matagal na! Buong akala ko taken ka na..

Mark: G-Ganoon ba? Actually, may gusto akong pasagutin ngayong araw. Kaso mukhang may boyfriend na siya eh..

Mia: M-May nililigawan ka? Tapos may boyfriend? Ano?

Mark: Wala akong nililigawan. Sabi niya kasi crush niya ako eh, tapos naalala ko.. may tinawag siya kaninang 'my loves'.

Mia: Teka.. A-Ako ba yung tinutukoy mo?

Mark: Oo, ikaw nga. Mia Mendez, tama ba?

Kapwa namula ang dalawa matapos ang biglaang aminan sa pagitan nila.

Mark: Matagal na kitang binabantayan. Simula pa nang lumipat ka dito ng school at noong una tayong nagkita sa isang practice session namin, tanda mo pa 'yon? Doon nagsimula ang paghanga ko sa'yo. Unang-una kasi pansin kong mahilig kang manood ng basketball games. Na-attract agad ako sa'yo. Hindi ko akalaing may babae ditong 'gaya mo.

Mia: T-Talaga? Totoo ba 'yan?

Mark: Oo, kaso, 'gaya nga ng narinig ko sa'yo.. M-May 'my loves' ka na. Wala ng sense 'tong pag-amin ko ng feelings ko sa'yo.

Mia: Sure kang hindi mo naisip na ikaw 'yung chinicheer ko? Na ikaw 'yung tinatawag kong 'my loves'?

Mark: H-Huh? Anong ibig mong sabihin--

Mia: Sshh.. Ikaw 'yon, okay? yung chinicheer ko.. si my loves.

Mark: T-Totoo?

Mia: Uh-uhm. Totoong-totoo.

Sa sobrang pagkasabik, hinila ni Mark si Mia patayo at tsaka ito niyakap nang pagkahigpit.

Mark: I really like you, Mia! I really do!

Mia: Hoy, ano ka ba? Pagsigawan talaga?

Nagsigawan ang lahat ng tao sa paligid at mga kapwa kinikilig sa kinalabasan ng lahat. Lahat sila hindi inakalang ang isang simpleng basketball game ay magiging makabuluhang love story ng dalawang taong matagal na palang nagmamahalan.

Mia: Pero teka nga, bakit mo ako tinamaan ng bola?

Mark: Sorry nga pala d'on. Nakakahiya.. n-nadestruct kasi ako nang may tinawag kang 'my loves' eh. Basta ko lang binato 'yung bola tapos sa'yo tumama. Pasensya na talaga.

Mia: Ahahaha! Ayon pala eh. Ayos lang 'yun. 'Di mo naman pala sinadya. Pasalamat ka talaga mahal kita!

Mark: Ahahaha! Mahal din kita!

---------------------------------------------------------------END-------------------------------------------------------------------


A/N: Yay, first story here. Thanks for reading. Lovelots! <3

-AUTS8


 

Mga Kwentong Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon