Always Your Bestfriend

24 2 0
                                    

Gabi na at nakatitig lang si Cielo sa kanyang cellphone na nakalapag sa tabi niya habang siy'y nakaupo sa kama. Kanina pa niya ito binabantayan at noong balak na niyang matulog ay tsaka lang ito tumunog, ibig sabihin ay nakatanggap siya ng text message.

Galing ito sa kanyang bestfriend, si Axel Marasigan, na may kagwapuhan at habulin ng babae.

Axel: Hii. Ka-text naman dyan oh. 'di na naman siya nagpaparamdam. :(

Cielo: Amp, ano na naman problema mo?

Axel: Si crush kasi.. Hindi na nagrereply sa mga texts ko, pati sa chat. Miss ko na siya.

Cielo: Ahh.. Ganoon ba?

Axel: Oo, ganoon. Hindi mo pa siguro alam ang pakiramdam na ma-snob ng crush mo, nuh?

Cielo: Oo, tama ka. Lagi akong pinapansin n'on eh. Kaso.. ang kinukwento niya, puro tungkol sa crush niya.

Axel: Ouch, sakit naman n'on.

Cielo: Maskit nga.. SOBRA. 'Yung feeling na gusto kong sabihin sa kanya kung gaano na siyang nagmumukhang tanga kakahabol sa taong 'di naman siya gusto.. pero wala eh. Manhid talaga siya, hindi lang sa mga pinapahiwatig nung crush niya kundi pati sa feelings ko na obvious na obvious naman.

Axel: Grabe, ang tanga naman niya. Kung ako sa kanya, niligawan na kita eh.

Nasasaktan si Cielo sa lahat ng nasabi niya pero 'di niya maiwasang matuwa dahil sa sinabi ni Axel. Habang si Axel naman sa kabilang linya ay sincere naman sa mga texts nito kay Cielo.

Cielo: Sana lang talaga balang araw, marinig niya lahat ng sinasabi niya ngayon tapos ma-realize niya yung mga nagawa niya lalo na sa akin. Kung sakaling sasabihin niyang mahal niya ako, mamahalin ko pa rin siya. Gusto kong maranasang mahalin niya, hindi 'yung nandyan lang siya 'pag may bago siyang kwento tungkol sa crush niya.

Axel: Hindi ko alam na ganyan ka pala, Cielo. EMO ka din pala. JOKE! Pero 'di maiwasang mag-init ng ulo ko. Sa'yo pa niya talaga ginawa 'yun, naku.. Pero, teka? Sino ba kasi 'yung crush mo?

Biglang tinanong ni Axel kung sino 'yung lalaking tinutukoy ni Cielo. Kinabahan naman si Cielo. Hindi pa kasi siya nagkwento kay Axel ng tungkol dito ni minsan.

Cielo: Alam mo.. inaantok na talagga ako eh. Bukas na lang ulit tayo usap?

Axel: Ahh, ganoon ba? Sige, tulog ka na. Btw, thanks. Hindi ko na kailangan ng ka-text kasi naka-text na kita. Good night, Cielo. ;)

Nakatulog si Cielo na inaalala ang huling text ng kanyang bestfriend.. slash crush.

***

Kinabukasan sa school. Nakita ni Cielo si Axel na nakaupo sa isang sulok sa school garden. Nakayuko ito at halatang napakahigpit ng pagkakahawak sa kanyang cellphone.

Cielo: Axel? Anong ginagawa mo dito?

Walang sagot ang lumabas mula kay Axel at hindi man lang nito nagawang lumingon.

Cielo: Hoy, pansinin mo naman ako oh. May problema ka na naman ba?

Tahimik pa din si Axel kaya nagsimula nang kabahan si Cielo.

Cielo: Magsalita ka naman. Ano ba kasing nangyari?

Napahikbi si Axel at nagulat si Cielo. Hindi pa niya ito nakitang umiyak dati. Napalapit siya sa pwesto ni Axel tsaka hinimas ang likod nito.

Cielo: Umiiyak ka ba? B-Bakit? Kinausap ka ba niya?

Bilang sagot, tumango si Axel pero yumuko din kaagad. Pero sa sandaling iyon, nasulyapan ni Cielo ang mukha ni Axel. Umiiyak nga ito.

Cielo: D-Don't tell me.. Break na kayo?

Napatingin bigla si Axel kay Cielo at tila 'di makapaniwala sa sinabi nito.

Axel: Break?! Hindi nga naging kami tapos break?!

Cielo: Phew.. Akala ko talaga 'di ka na magsasalita eh. So.. b-binasted ka niya?

Yumuko muli si Axel at nanahimik ulit. Nagpatuloy naman si Cielo sa pagsasalita.

Cielo: Magkwento ka naman. Okay lang 'yan. Makakamove-on ka din. Ang dami-daming babaeng naghahabol sa'yo dyan oh.

Umiling si Axel na tila ayaw maniwala sa sinasabi ng kaibigan.

Cielo: Alam mo, Axel.. 'di ako sanau nang ganyan ka. 'Yung tahimik at hindi nagsasalita. Sanay ako na lagi mo akong pinapansin at kinakausap, kahit na tungkol lagi sa crush mo eh. Kausapin mo na ako, please. Tell me you're okay. Ayos lang sa akin kahit ikwento mo lahat ng tungkol sa crush mo. Kung gaano siya kaganda, kung gaano kang tinamaan sa kanya, kung gaano siya kagaling sumayaw, et cetera. Magmamarathon tayo. Sabihin mo lahat, para at least mabawasan 'yung sakit na nararamdaman mo. Ayoko ng nakikita kang nasasaktan. Naalala mo 'yung sinabi ko sa'yo kagabi? 'Yung crush ko? Ikaw 'yon. Natiis ko 'yung araw-araw na pagkukwento mo ng tungkol sa crush mo. Pero ito, 'di ko kaya, Axel. Bumalik ka na sa dati. Magkwento ka na. Sige na!

Napalingon si Axel kay Cielo. Halu-halo ang emosyon nito. Sakit, pagtataka at paggaan ng pakiramdam ang mababakas dito. Si Cielo naman, 'di na napigilan ang luha mula sa pagtulo nito.

Cielo: Tama 'yung narinig mo, okay? Gusto kita. Narinig mo na lahat. Magsalita ka naman. Handa mo ba akong m-mahalin?

Natulala si Axel sa narinig. Iniangat niya ang kanyang kanang kamay para punasan ang luha sa pisngi ni Cielo.

Axel: P-Paano ka ba mahalin?

Cielo: Please, 'wag mo akong tanungin kung paano. Bigyan mo ako nga panahon p-para maipakita ko sa'yo kung bakit dapat akong mahalin. Hayaan mo akong biguan ka ng dahilan.

Axel: Pero.. Paano kung ano..

Nataranta si Axel. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Hindi niya alam kung paano sasabihin na paano kung 'di niya iito magustuhan dahil. Natatakot siyang baka masaktan si Cielo, ang bestfriend niya.

Cielo: Sshh.. Pakinggan mo ako, huh. Nagawa kitang mahalin kahit wala kang tinuturo kung paano. Naramdaman ko na lang bigla. Sa pagiging ikaw mo, d'on ako na-fall. Hahaha, though, 'yung pagmamahal ko sa'yo ay 'yung naging dahilan kung bakit paulit-ulit akong nasasaktan sa bawat pagkukwento mo ng tungkol sa crush mo. Paano ba naman kasi.. minahal lang naman kita. Hindi mo naman hiniling 'yun. Kaya bakit nga naman ako umasang masusuklian mo 'yon, 'di ba? Pero sana.. sana talaga kahit 'yung mga efforts ko man lang para sa'yo, sana na-appreciate mo lahat ng 'yon. Aaminin ko, minsan 'di ko maiwasang maging bitter. Pero mas nangibabaw pa rin 'yung feelings ko for you eh. Ako na lang ang masaktan, 'wag na ikaw..

Hindi makapaniwala si Axel sa narinig. Habol naman ni Cielo ang kanyang hininga at nagulat pa nang bigla siyang yakapin nito.

Axel: I'm sorry.. I'm really sorry. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko. Nasasaktan ka na pala, wala pa akong kaalam-alam. Napakalaki kong tanga. Sa paghahabol sa babaeng 'yon at para sa mga panahong hinayaan kitang magsakripisto ng sarili mong nararamdaman para sa akin. Sana ikaw na lang ang minahal ko. Sana hindi na ako nagbulag-bulagan at naghanap pa ng iba gayong nandyan ka lang naman na totong nagmamahal sa akin. Please, tell me you still love me. And I promise, I will never ever do this mistake again. To love someone who can never love me back. I'll just settle with what and whom I got. At ikaw 'yon. I just want to be with you, I love you.

Napangiti si Cielo sa sinabi ni Axel. Tuwang-tuwa siya kaya niyakap na din niya nang pagkahigpit si Axel.

Cielo: I'm always your bestfriend. Si Cielo. Si Cielo Arquiza na na-fall at nagmahal sa'yo. At walang magbabgo d'on. Mahal pa rin kita. I do and I always will.

*END*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Kwentong Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon