Te Amo 20 ❤

9 1 0
                                    

Di ko alam kung nagkamali lang ako ng dinig o sadyang assuming lang ako.

Isang linggo na ang lumipas ay ayos na kami ni Jack, tapos nakapag present na kami nung friday.

Ngayon medyo iwas din ako kay Jack, di ko alam kung bakit! Siguro dahil di ako makapaniwala sa sinabi niya? Ugh ewan.

"Where do you want to go?"- tanong ni Jack, pauwi na kasi kami, sabi niya na gusto niyang maggala kami para daw mas makabawi siya.

Yung kamay ko naman okay na, pero may naiwang peklat pero di naman halata, kapag tinitigan lang.

"Kahit saan"- sagot ko, inakbayan niya ako at ako naman sunod lang sa kanya.

Tahimik ako, Di ko alam kung bakit niya ako napapayag, tumingala ako para tignan siya, daretso lang ang tingin niya at seryoso.

Ang pilik mata niya, matangos na ilong, mapulang labi, messy na buhok at maputing mukha. He's damn perfect but he's moody.

"May dumi ba sa mukha ko?"- tanong niya na ikinagitla ko, agad akong nag iwas ng tingin.

"Wa-Wala"- sagot ko, tumigil kami sa village ng Park namin, pero malapit kami sa street foods.

Bumili kami doon tsaka umupo sa damuhan, Busy ako sa pag kain, siya sa cellphone niya.

Tumigil ako sa pag kain, At humikab, Nakakapagod ang araw na ito, Inaantok na ako.

"Pwede na ba tayong umuwi?"- tanong ko, oo alam kong kararating lang rin namin pero inaantok na ako eh, dala na rin ng simoy ng hangin, mag gagabi na rin kasi eh.

"Inaantok ka na? Uhm, humiga ka muna, Please ngayon lang ito"- sabi niya napanod na lang akoat humiga sa lap niya, Yung ulo ko nakapatong sa Lap niya.

*****

Pag mulat ko madilim na, di agad ako nakagalaw dahil nakatungo si Jack saakin, forehead to forehead. The Heck, bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Ja-Jack, Ga-gabi na"- nauutal kong pag gising agad naman itong nagising at naduling dahil sa pwesto namin.

Tumingala siya at hinawakan ang batok, hirap ng pwesto niya eh, agad akong umayos at tumayo ganon din siya... Bago kami umalis.

Nakarating na kami sa bahay at agad naman akong nag ayos ng pantulog, Di na ako lumabas para kumain kulang ang tulog ko.

Kinabukasan nagising ako ng maaga, ginawa ko na agad ang routines ko bago lumabas ng kwarto dala ang bag, naabutan ko si Jack na nakain nag smile siya saakin and I smile him back, kumain kami ng tahimik kaya natapos kaagad.

-School-

"Oo nga, Viral na sila as Loveteam sa social media"

"Yeah O MY G, papicture tayo"

"Bagay talaga sila, Isa na ako sa fan nila kapag sumikat iyan"

Yan ang nadatnan namin sa school pag kadating namin, Hindi ko alam kung sino ang pinag uusapan nila kaya agad na kaming nag tungo sa room namin.

"VALEEN, JACK, O MY G, BAGAY TALAGA KAYO, FAN NIYO AKO, TSAKA OMO KINIKILIG TALAGA AKO" agad akong napahawak sa tenga ko ganon din si Jack, ang sakit sa tenga ng tili niya.

"Calm Rain, Ano bang pinuputok ng buntse mo? Tsaka bakit? Anong meron ngayon?" takhang tanong ko lumapit naman ito at niyugyog ako

"SIKAT NA KAYO, VIRAL ANG PICTURE NIYO SA SOCIAL MEDIA..." With matching paypay sa kanyang sarili na para bang mahihimatay "May nag post sa facebook then sunod sunod na ang like shares at good comments about sa relasyon niyo" dagdag nito

TE AMOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon