Te Amo 14 ❤

6 1 0
                                    

Matapos ang new Year na ginanap sa province ay kinabukasan non ay nag kita kita ulit ang Gimme Nine at Gimme Princess (Kinareer talaga eh), kasi uuwi na ulit kami sa manila.

Gusto ko sana mag stay pero hindi pwede eh, Yung pag aaral namin nasa manila! Kaya No choice.

Pagkarating namin ng manila ay balik ulit sa dati, wala si Mama, trabaho na ulit si papa sa photoshop at aral na ulit kami ni Jack ganon din kay Valerie.

Yung mommy nga pala ni Jack, Balik na ulit sa ibang bansa, dahil bukod sa kailangan na rin siya sa company ay tinawagan na ito. So parang wala ngang nangyari.

Pero syempre may konting pag babago, Di na kami masyadong nag aaway ni Jack, Besides mas napapalapit na rin kami sa isa't isa. I mean we're close to each other like a super bestfriends.

Medyo Weird kasi nag simula kami sa awayan at bangayan tapos ngayon We're best friends.

-Back To reality-

We're here at the cafeteria with Barbie. Naninibago ako sa kanya kasi hindi na siya masyadong kalog at madaldal, like now! Ugh, I can't believed this happened to her.

"Aray ko" reklamo ko sabay hawak sa ilong, Ugh. "Problema mo Jack?" inis na sabi ko...

"I asking you kung tapos ka na sa Project natin sa Filipino, Si Barbie daw tapos na at ako naman malapit na"- sabi nito

Napakagat labi naman ako, Patay! Wala pa akong nasisimulan at wala pa ni isang topic sa magazine na kailangan namin, sa friday na ipapasa.

"Wala pa! Eh? Ah walang pumapasok sa isip ko eh" paliwanag ko

Sakto naman ang bell kaya agad na kaming pumunta sa room...

---

"Please tulungan mo na ako, Wala talagang pumapasok sa isip ko eh"- Pilit ko sa kanya, at sign ng 'please'

Nag lalakad kami ngayon pauwi, At pinipilit ko siya na tulungan ako...

"Ayoko nga... Tsaka kaya mo na yan, May bukas pa" siya, Huhu!

"Jack, Please... Kahit anong gusto mo gagawin ko pero isa lang... Please na" pag mamakaawa ko

"Ayoko pa din, tatlo! Tutulungan kita"- sabi niya sabay taas-baba ng kilay.

"Oo na, Bilis na tulungan mo ko huh? Kapag hindi mag sisisi ka"- banta ko

"Dont worry! Basta may 3 wishes ako from you huh?" I just nodded.

Pag kauwi namin sa bahay, agad akong nag palit ng pambahay na damit sa kwarto tsaka kinuha lahat ng gagamitin for my project.

Kumain muna kami bago gumawa... Inuna muna niyang tapusin ang kanya bago ang saakin.

Seryoso siyang gumagawa, parehas kaming tahimik! Minsan napapatingin ako sa kanya, kasi naman hindi ako sanay na sobrang tahimik niya samahan mo pa ng pag kaseryoso!

"Oh! Pawisan ka"- sabi ko sabay abot ng panyo, tinignan niya lang iyon tsaka tumingin saakin ng kunot-noo.

Bakit?

"Do you think kaya kong punasan ang sarili ko kung ang parehas kong kamay ay busy sa pag susulat ng project mo!"

Ay barado! Eto pa ang isa sa nag bago! Mas naging pilosopo na siya kaysa saakin. Tss

"Sorry naman! Sabi ko nga ako na ang mag pupunas" Sabi ko

Pinunasan ko dahan dahan ang noo niya... Alam ko na gabi na at malamig pero ewan ko ba sa lalaking ito, Siguro dala na rin ng pagod.

TE AMOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon