Ngayong araw, ako ay isang prinsesang labis na pinaligaya ng kanyang mahal na ama.
Ngayong araw, ako ay isang diyosang pagkaganda-ganda na labis ang saya.
Alam niyo kung bakit?
Simple lang.
Ibinili lang naman ako ng Daddy ko ng new phone! Haha! Aminin, sino ang hindi matutuwa kung ibibili ka ng bagong gadget ng daddy mo? Ang hindi matuwa, bigti na! Walang utang na loob! Ang daming pa-kyeme! Ka-stress sa bangs! Gabi na. It's 7:00 PM. Ano kaya ang pwedeng gawin?
Isip...
Tama! Kakalikutin ko na lang ang bagong phone ko! Sitting pretty on my bed, sinimulan kong kalikutin ang new phone ko.
Alam niyo ang ginawa ko?
Una. Nilagyan ko ng sim card. Malamang. Ano ang pakinabang nito kung walang sim card di ba?
Pangalawa. Nagsave ako ng mga numbers sa phone ko. Actually, ang laman lang ng phonebook ko ay number ng daddy ko, ng mommy ko, ng bestfriend kong si Jelai, ng driver naming si Manong Bogart at
ng CRUSH KONG SI PETE LOPEZ! (landi ko. Hahaha)
Pangatlo. Nilagyan ko ng memory card. Alam niyo ba ang laman ng memory card ko?
Edi...
Pictures niya sa school.
Pictures niya habang nagba-basketball.
Pictures niya sa canteen.
Pictures niya tuwing flag ceremony.
Pictures niya nung manalo siyang Point Guard.
Pictures niya habang umiinom ng tubig.
Pictures niya habang nagtu-toothbrush.
Pictures niya habang may sakit.
Pictures niya habang kumakanta.
Pictures niya sa kung anu-anung bagay.
At ang pinakalove ko sa lahat..
Pictures niya habang naka-trunks sa beach. And take note, lahat eto eh stolen.
Pero teka ha? Mali kayo kung iniisip niyong ako ang kumuha ng mga photos niya. Supply lang yun saken ng best friend kong si Jelai. And I can't do anything but to accept the blessings!
And back to my work, ang kahuli-hulihang ginawa ko sa phone ko ay palitan ang wallpaper at screensaver. Alam na kung sino.
Habang tinitingnan ko ang bagong cellphone ko este ang wall paper, napapangiti talaga ako. Alam niyo yung pakiramdam na nasa cloud 9 ka? Eh yung feeling na good vibes? Alam niyo ba yun? Ako alam ko.
Okay. Oras na para sa laptop session ko.
Binuksan ko ang laptop ko, sabay connect sa wifi, sabay browse sa internet. Ginawa ko muna yung mga assignments ko. Sayang din naman ng oras eh. After 20 minutes, since tapos na rin lahat ng assignments ko, naisipan kong mag-log in sa facebook account ko. Ganyan ang matinong estudyante. Assignment muna bago FB. Ang kumontra pakamatay na. Haha!
Yung totoo?
1648 friend requests.
148 messages.
2444 notifications.
Kagabi lang ako last na online pero bakit? Ba't parang araw-araw ganito? Grabe, ang ganda ko ba talaga? Lol Pero bakit hindi ako mapansin ng lalakeng gusto ko?