Dedicated to her because she made my Book Cover ^_^
St. Agnes College
Freshman student si Shane Montalban. Kinakabahan siya dahil wala siyang kakilala sa paaralang iyon. Scholar siya kaya nakapasok siya sa private school. Nasa laguna ang tita niya na naging guardian niya mula nang mamatay ang kanyang ama at iwan siya ng kanyang ina.
Napabuntonghininga siya at inilibot ang paningin sa kabuuan ng malawak na campus, humakbang na siya patungo sa information desk. Binigay sa kanya ang schedule at room number niya.
Sa lobby pa lamang alam na niyang pulos mga sosyal ang nag aaral doon at baka wala siyang makasundo sa mga ito.
Nang nasa tapat na siya ng classroom halos lahat napatingin sa kanya. Paano'y luma ang suot niyang jeans bagamat di naman kupasin. May nakita siyang nakaismid, may tumaas ang kilay at meron ding deadma lang.
Nag-aalangan tuloy siya kung papasok o hindi. Ngayon niya pinagsisihan kung bakit tinanggap niya pa ang scholarship.
Nakatungong pumasok siya at umupo sa pinakalikod ng room. Hindi siya nag-aangat ng mukha dahil sa hiya. Nagulat pa siya nang biglang magsilabasan ang mga ito, lalo na iyong mga kababaihan. Wala siyang ganang sumunod sa mga ito kaya binasa na lamang niya ang dala niyang rule book.
Breaktime, nanatili lamang sa loob ng room si Shane at nagbasa ng libro. Mag-isa lamang siya sa loob. Naisip niyang lumabas pero nahihiya siya. Dismissal na siya lumabas pero nagpahuli siya.
Konti nalang ang mga nadaanan niyang estudiyante sa hallway. Nang mapadaan siya sa music room ay napahinto siya. Nagagandahan siya sa sound na nagmumula doon kaya sumilip siya sa bahagyang nakaawang na pinto.
Limang lalake ang nasa loob. Sila siguro ang banda ng school. Mga gwapo lahat but their vocalist caught her attention, tall and handsome. Sa tingin niya may lahi itong banyaga dahil sa mata nitong aqua blue.
Marahil ay napansin siya nito dahil napatingin ito sa may gawing pintuan. Sa sobrang kaba ay napatakbo siya palayo sa lugar na iyon.
"Pare ok ka lang?" tanong ni Mike.
"Yeah I'm fine. May nakita lang akong babaeng nakasilip kanina diyan sa pinto."
"Maganda ba?"
Josh just shrugged.
Samantala, hinihingal si Shane nang makaabot sa waiting shed. Napangiti siya, mukhang hindi na magiging boring ang school life niya because she just found her inspiration.
Sumakay na siya sa jeep papuntang boarding house. Pagdating niya ay sinalubong siya ng mabait niyang landlady.
"Kumusta ang unang araw sa skwela? Buti naman at di ka naligaw."
"Oo nga po eh. Eto po nakakapagod pero ok lang naman."
"Siya nga pala may padala ang tita mo. Mga gamit ata."
"Salamat po."
"Sige, magpalit ka na at nakahanda na ang hapunan."
Pagkatapos maghapunan ay nahiga na siya. Looking through the ceiling she could see his handsome face and those pair of blue eyes. Nakatulugan na niya ang pag-iisip sa lalake.
Kinabukasan, tumugtog ang banda ng school para i-welcome ang mga freshmen students. Halos lahat ng babae ay nagtitilian at halos di na kumukurap habang nakatitig sa mga nagpeperform lalo na sa vocalist ng grupo.
Saglit na nagtama ang mga tingin nila na siyang ikinapamula niya. Nakita niyang siniko ito ng isang guitarist habang uma-adlib sa kanta ng Simple Plan na Welcome To My Life.
Nang matapos ang performance ay naghiyawan ang lahat lalo na ang mga babaeng nasa higher years na halatang may mga kanya-kanyang gusto sa mga member ng banda.
Tumayo na siya sa pagkakaupo and walk directly to their room. Nahihilo siya sa dami ng tao plus the noise na halos ikabingi niya.
She's walking slowly habang nakayuko kaya hindi niya namalayan na may makakasalubong siya. Then she bumped on someone.
Dahan-dahan siyang tumingala. Halos lumundag ang puso niya nang mapatingin sa aqua blue nitong mata.
"I... I... I'm s-sorry"
"No, it's okay" anitong ngumiti.
"I... I have to go. Bye." aniya at tumakbo patungo sa room nila.
She left the guy standing there. Stunned with her reactions.
"Hey! Josh anong nangyari sayo?"
"I think I found her."
"Who?"
"My destiny."
"Sino? That girl? Oh come on Josh she's not your type." ani Mike "Akala ko ba type mo iyong mayaman at sopistikada?"
"As flings." si Josh
"Hirap mong intindihin Josh." ani Third
"Bahala kayo pero desidido ako with that lady."
"It's up to you dude. If you need some help andito lang kami."
"Thanks guys."
"Hi Josh" anang tinig "nandito ka lang pala. You're such a great performer. Really!"
"Then thanks." malamig na saad ni Josh. Ayaw niya talaga sa babae ay iyong nagpapakita ng motibo sa lalake.
"Josh, dinner naman tayo mamaya." ani May
"No thanks, may date ako mamaya."
Napasimangot ito at walang lingon-likod na umalis.
"Grabe ka Josh" puna ni Rodge
"Eh sa hindi ko talaga type ang babaeng iyon."
"At sinong type mo? Ang freshman student na yun?" tanong ni Greg
Tinignan niya ang mga kasama. "Yeah, I like the simplicity in her."
"So hilig mo na pala ang simple?"
"Ang dami niyong tanong. Tayo na nga sa canteen. Nagutom ako eh."
Samantala, hindi makapaniwala si Shane na naka face to face niya ang vocalist ng bandang UxMishi and he's cute.
Lahat ng nagsisipasok sa room ay bukambibig ang natunghayang banda.
Tahimik lang siya pero naroroon ang ngiti sa kanyang mga labi.
...
.
.
.
.
.
.
.
A/N: Parang pocketbook pero I hope you'll like it.
BINABASA MO ANG
Love Till The End
Teen FictionA regular girl who gets in a prestigious school and later on finds her true love... Love from the start, Love till the end.