Dismissal ng klase, muntik nang mabingi si Shane nang biglang magtilian ang buong klase. She saw a student in front of the room. He was holding a re rose. He was the guitarist of UxMishi.
Kinabahan siya nang lumapit ito sa kanya. He placed the rose on her desk.
"P-para saan to?"
"May nagpapabigay, heres the note."
Tinanggap niya ang maliit na card at binasa ang nakasulat doon.
HI I'M JOSH ALBERT. I THINK I LIKE YOU.
A bit shocked, ibinalik niya ang card at rose sa lalaki.
"Why?" napakunot noo ito sa naging reaksiyon niya.
"I'm sorry, hindi ko ito pwedeng tanggapin." aniyang tumayo at umalis.
As much as she wanted too, but she made a promise na purely study lang ang aatupagin niya sa Manila. Ayaw niyang madisappoint ang tita niya.
"Ano na Greg?" si Josh
"Hindi tinanggap eh."
"Paano yan Josh, mukhang di ka type ng babe na yun?" ani Mike
"Bahala na, I'll take the risk."
"Desidido kang talaga ha?" tanong ni Rodge
Nagkibit balikat lang si Josh.
Naupo at ginalaw ang mga kwerdas ng hawak niyang gitara.
"Dahan-dahan lang Josh" sita ni Third "mahal ang bili ko diyan. Ubos allowance ko sa gitarang yan."
"Don't worry, I don't have any reason para manira ng gamit. Practice na nga tayo."
Hindi muna umuwi si Shane. Dumiretso siya sa library at nagresearch. Wala siyang computer kaya nahihirapan talaga siya.
Nang makita ang librong hinahanap, naupo na siya at kinopya ang important details na kailangan niya.
'Sh*t, bakit kasi next week pa ibibigay ang libro niya.' she thought
"Josh, diba siya yun?" ani Third nang mapadaan sila sa library.
Tinignan niya ang itinuro ng kaibigan.
"Yeah siya nga" then he entered the room matapos senyasan ang mga kasama na mauna na.
Hindi naman pinansin ni Shane ang umupo sa tapat niya dahil abala siya sa pagsusulat.
Tumikhim ang lalake.
Napatingin siya dito at nagtama ang mga mata nila. She had stared directly into his aqua blue eyes. Parang tambol sa lakas ang pagpintig ng puso niya.
Nang mahimasmasan ay dali-dali niyang niligpit ang mga gamit niya.
"I'm sorry pero uuwi na ako."
Pinigilan nito ang kamay niyang dadampot sana ng notebook.
"Please stay."
She looked at him and their eyes met.
"Please, just for a sec. I just want to make friends with you."
Ewan niya pero his blue eyes seems to have hypnotic powers. Muli siyang naupo.
"Thanks" he said.
"A-ang kamay ko." ani Shane nang makitang nakahawak parin ang kamay ni Josh sa kamay niya.
"Oh, I'm sorry"
"N-no it's okay" aniyang ngumiti.
"Mas cute ka pala pag nakangiti." komento ni Josh
Nagblush tuloy siya dahil sa sinabi nito.
"I'm Josh Albert and you are?"
"Shane Montalban"
"Nice name."
"Yours too..."
"Know what, ang sarap pakinggan ng boses mo, siguro magaling kang kumanta." ani Josh
She's starting to feel at ease with him. He's fun to be with kasi.
"Gusto mong sumali sa banda namin?"
"H-ha? Pero----"
"Sige na para may vocalist kaming babae."
"Pero hindi ako sanay---"
"Please, If you want luluhod ako pumayag ka lang."
"No, don't do that. Sige payag na ako."
"Yes!" he said in a low voice "practice tayo bukas, may gig kasi kami sa isang bar."
"B-bar?"
"Yeah! Actually we own it. Doon kami tumutugtog pag medyo nabobore na sa bahay."
"S-sige"
Kinabukasan. Hindi inaasahan ni Shane na kakalat agad ang naging pag-uusap nila Josh sa library.
"Hoy Shane! Nobyo mo ba si Josh?"
"Ha? Hindi, magkaibigan lang kami."
"Ofcourse, hindi naman kasi papatol si Josh sa isang cheap na kagaya mo. I'm sure pinaglalaruan ka lang nun." mataray na sabi ng babae.
Hindi niya na lamang ito pinansin.
Breaktime nang salubungin siya ni Josh.
"Hi!"
"H-hello" she smiled.
"Ready ka na ba sa practice?"
Tumango siya. Hinawakan siya nito sa kamay pero inalis niya nang makita ang masasamang tingin ng mga babae sa paligid.
"Bakit?" litong tanong ni Josh.
"S-susunod nalang ako."
"Hayaan mo sila. Inggit lang yang mga yan." sabi nito sabay hawak sa kamay niya.
Hinila siya nito papunta sa music room. Halos lahat ng madaanan nila ay napapatingin sa kanila.
Nagpapractice na sina Third nang dumating sila.
"Tagal mo naman pare." si Mike
"Andito na nga diba? Practice na tayo" si Josh na umakyat na sa mini stage. Nalingunan niya si Shane at bumaba ulit at hinila ang nakatulalang babae.
"Can you sing this song?" tanong ni Josh sabay abot sa kanya ng lyric sheets.
Binasa niya ang title ng kanta. Addicted?
"Diba lalake ang kumakanta nito? Hindi ata bagay na ako kakanta nito"
"Ok, kung gusto mo ikaw nalang mamili."
Nang makapili na siya ay binigay niya iyon kay Josh.
"When you say nothing at all, sige gagawan nalang natin ng rendition." si Josh
A/N: Pahinga muna... kakapagod din pala. Di ko lang kasi basta-basta kinokopya. Nirerevise ko narin kasi eh.
BINABASA MO ANG
Love Till The End
Teen FictionA regular girl who gets in a prestigious school and later on finds her true love... Love from the start, Love till the end.