Mel's POV
Naiyak ako sa mga narinig ko kay jerome.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero sobrang saya ko.
My baby is still alive. Malakas talaga ang kapit ng anak ko sakin. Manang mana sa nanay.
"Mel pwede bang magusap na tayo?" mahinang sabi ni jerome.
"Ano namang sasabihin mo?" sabi ko saknya. OO GALIT AKO! Sino namang hindi diba. Ang boyfriend mo na hindi na nagpaparamdam sayo ay may ginagawang milagro sa office niya. Great just great.
"Mel listen to me. Its not what it looks like." sabi niya.
"Yan nanaman tayo sa mga gasgas mong paliwanag eh. Its not what it looks like... Whatever! Magsisinungaling ka nanaman?" sabi ko
"No mel. Please makinig ka muna." sabi niya
"Hinding hindi ako makikinig sayo. Umalis ka na!" sabi ko.
"Pero me--" pinutol ko ang mga sasabihin niya.
"UMALIS KA NA SABI EH!" sabi ko. Tapos tinutulak tulak ko siya palayo sa kama ko. "Alis alis alis. Di kita kailangan. Umalis ka na! Magsama ka--" pinutol niya ako
"TANGINA KASI MAKINIG KA MUNA!" sabi niya.
"Wag na! Umalis ka na. Pupunta kang UAE diba? Pwes ngayon makakaalis ka na!" sabi ko saknya.
"P-paano mo nalaman?" utal na sagot niya.
Tangina! Ibig sabihin totoo nga. At ano kailan niya balak sabihin sakin? Pag nakaalis na siya! Bullshit talaga oh.
"None of you business. GET OUT!" sabi ko.
"Sasabihin ko naman sayo eh. Di ko lang alam kung paano. Mahalaga to sakin mel!" sabi niya
"At ako? Ang anak mo? Di ba kami mahalaga? Leche talaga oh!" sabi ko.
"Mel pangarap ko to. Ito na yung matagal ko nang inaantay! Mahalaga kayo sakin pero mahalaga din to. Mel naman." sabi niya sakin.
"Oh pwes makaalis ka na." sabi ko.
"Talaga?! Iintayin mo ko ha!" masayang sabi niya. Abat!
"No jerome. Mamili ka, Is it us or your dream? Hindi pwedeng mamangka sa dalawang ilog jerome. You need to choose." sabi ko.
"Mel please dont do this to me." sabi niya
"You just have to choose jerome." sabi ko sakanya.
"Mel I'm sorry. Babalikan kita promise. Tatapusin ko lang to. I'm sorry!" sabi niya
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I was really expecting that he will choose us over his job. akala ko lang pala yun. Marami talagang namamatay sa maling akala.
"get out!" sabi ko.
Mabilis pa sa alas singko eh lumabas naman si jerome.
Ansakit naman nun. Sobrang ouch ouch! Ngayon kami nalang ng baby ko. Wala na ang daddy niya. Maybe hindi talaga kami meant to be.
BINABASA MO ANG
Life after marriage. (MTMH Book 2)
Teen FictionMatapos nga naman ang mahabang prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. They say marriage is the start of new beginning, pero magiging masaya kaya sila kung umaagos ang problema na dumadating sa kanila.