First
"To bait fish withal. If it will feed nothing else it will feed my revenge..."
Ako ay nakadungaw sa bintana sa gilid ko habang ang malamig na hangin ay humahampas sa aking balat. Mga punong sumasayaw at sumasabay sa direksyon ng hangin.
Isang ordinaryong araw para sa iba, pero para sa akin hindi.
As usual. First day of school. Pero discussion agad. Ganda diba? Walang introduction. Kaloka.
Para naman may magawa ako, ide-describe ko ang school namin. Tutal first chapter pa lang naman 'to diba?
Glourd Central University (MCU)
Ang GCU ay isang medical school kung saan karamihan ng ino-offer nilang courses ay may kinalaman sa medicine.
I'm still a high school student. Correction. A Senior High School Student. Grade 12.
Being one of a first batch of Kto12 Curriculum Program, hindi madali. Why? Grade 7 ako nung in-announce ang Kto12 curriculum pero Grade 10 ko naramdaman ang epekto. Mas ok siguro kung ginawa nilang first batch yung mga kindergarten students para naman handa talaga, diba? Hindi yung ganito. Naghahabol lahat ng SHS students sa mga lessons dahil nagmistulang "experiment" ang education. Tapos mababalitaan ko pang tatanggalin "daw"? Like wtf? Pinahirapan niyo kami tapos papatigil niyo? Hindi madaling mag aral at maghabol. Pero in fairness, maganda ang benefits ng Kto12 curriculum.
By the way, ang dami kong satsat. Pansin niyo? Hahahaha sasabihin ko na lang kung bakit dito sa GCU ako nag-aaral.
I want to pursue my dream to be a Medical Technologist or Clinical Laboratory Scientist.
Bakit yan yung pinili kong course? Hmmmm wala lang, trip ko lang.
Kidding! HAHAHAHA sa panahon ngayon dapat seryoso sa buhay. Pinili ko maging RMT kasi I really like to work with different kind of bacterias! In short, I really like the subject Microbiology!
Back to reality tayo.
Gusto ko ng lumabas at tumambay sa may library pero ayokong gumawa ng eksena. Kainis. Napaka boring. Ang dami ko na nga nasabi wala pa ring nangyayari dito sa loob. Kung yung iba excited tuwing first day of school ako hindi.
Buti sana kung katabi ko yung mga kaibigan ko eh kaso hindi eh. Aish. Nakakainis!
"Ms. Red haired girl."
Nagulat ako ng biglang tumahimik.
Wait. Red haired girl?
Tinanggal ko ang tingin ko sa labas. Luminga ako sa loob ng klase. At lahat sila,
Nakatingin sa akin.
Oraytt. A scene. Okay Sam, get ready for the act. Tutal magaling ka naman umarte lagi.
"Ano na naman ba to?! AISH!" bulong ko sa sarili ko
So ayun nga, halos lahat ng classmates ko nakatingin sakin. Yung mga kaibigan ko naman naka-ngising pang-asar. Ugh. Yung mga tropa mong s-u-p-o-r-t-a-d-o. Kainis!
Nang napag alaman kong si Ms. Anne yun ay napatayo ako.
"Y-Yes? M-Ma'am?" sabi ko ng nauutal.
Shems. Patay ako nito badtrip.
"Can you come here infront and introduce yourself?" sabi ni ma'am ng nakataas ang kilay.
WHUT?! PUPUNTA AKO SA HARAP? TAPOS MAGPAPAKILALA? SA HARAP?
Mukang mali ang hinala kong walang introduction sa first day. Maling mali talaga.
BINABASA MO ANG
Friendship Over Feelings (On-going)
Ficção AdolescenteKaibigan o Ka-ibigan? Paano kung yung mismong mga kaibigan mo ang karibal mo sa taong gusto/mahal mo? Naniniwala ka bang "Love is Sacrificial?" Handa mo bang isacrifice ang friendships niyo para sa taong gusto/mahal mo? o handa kang isacrifice an...