ATTENTION. Sorry kung panget yung story. First time ko lang kasi gumawa ng story dito sa wattpad. Soooo, sorry po. :)
Dedicated to my Bestfriend Patrick Anne Delarosa ! Ikaw nag suggest neto so pupush ko lang to. :)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 1
First day sa school ni Mikhail as a "Engineer" Student. Ang mukha niya nanghihina dahilan sa puyat siya kagabi kakalaro ng games niya sa kanyang PS3. Natapos ang araw at umuwi siya agad para makapaglaro ulit siya ng kanyang mga games. Habang naglalakad siya papuntang room nila ay may nabungo siyang babae.
Unknown Girl: Oh sh*t !
Mikhail: Ohh. Sorry miss. I didn't see you walking on my path.
Unknown Girl: Ohh it's okay. Ooops ! Sorry. Got to go. I'm late on my first subject. Good luck on your first day !
Mikhail: Me too ! Goodluck to you too.
Hindi naalis ang tingin ni Mikhail sa babaeng ito. Parang na "Love at first sight" siya dito. Naalala lang niya dito ay nakasuot ang babae na Tourism uniform. Pumunta siya sa Tourism building ngunit bawal siya pumasok sa dahilan na may klase pa ito hanggang 7 ng gabi. Habang naglalakad siya pauwi ay may biglang tumawag sa kanya na hindi kilalang number.
*RING* *RING *RING* *RING*
Mikhail: Hello? Who's this?
Ezekiel: Hey Bro ! What's up ? Ezekiel here !
Mikhail: Hey Zeke ! I'm fine. I'm going back at home. Wanna come at our house later ?
Ezekiel: Yeah ! I'm bringing my COD CD's and we can play on your PS3.
Mikhail: Sure ! See ya later bro.
Si Ezekiel pala ang tumawag sa kanya. Siya ay ang childhood friend ni Mikhail since na lumipat ang family nina Mikhail sa Oklahoma.
Nakauwi na si Mikhail sa bahay nila. Nandun ang kanilang Filipino maid na si ate lorrie, ang kanyang kapatid na si Mae. Ang ate niya ay nagtratrabaho sa isang company at part time model ito. Wala pa ang kanyang mama at papa. Kinamusta siya ng ate niya. Sa bahay nila ay Filipino ang language nila kahit nasa ibang bansa sila.
Mae: Mikz, kamusta ang first day of school mo?
Mikhail: Ate, wag mo akong tawaging Mikz ! Ang BADUY kaya !
Mae: Hahahaha. Osige. Pero kamusta naman ang first day mo ? Masaya ba ?
Mikhail: Okay lang. May nabanga ako kanina na babae. Ang ganda niya.
Mae: Yiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeee ! Inlove na ang baby boy ko ! Sabihin ko yan kay mama at papa mamaya.
Mikhail: Wag kasi ate ! Hindi naman sa nabungo lang, nainlove agad. Pwede ba nagandahan muna?
Mae: Basta mamaya ka sakin . Tutal pauwi na si mama at papa.
Naiinis na siya sa ate niya. Umakyat siya sa kanyang kwarto at nagpalit ng damit. Habang hinihintay niya ang kaniyang mama at papa ay naglaro muna siya ng PS3. Lumipas ang mga oras na naglalaro siya. Dumating na ang kanyang mama at papa.
*HONK* *HONK*
Mae: Ate lorie, pakibukas ang gate. Nandyan na si mama at papa.
Ate lorie: Sige ma'am. Wait lang po.
Mae: Pakibilisan lang ate at sigurado akong gutom na yung mga yun.
Ate lorie: Opo ma'am.
Sinalubong ni Mikhail at Mae ang kanilang mga magulang at sabay nag mano. Hindi mawawala sa kanila ang tradition ng mga Filipino na mag sabi ng "Po at Opo" , mag mano sa mga nakakatanda at iba pa. Hapunan na at tinawag na ni Mae si Mikhail sa kanyang kwarto.
Mae: Mikz, tawag ka na dito sa baba. Kakain na daw.
Mikhail: Sige ate, wait lang. Tapusin ko lang tong stage na to.
Mae: Bilisan mo lang.
Mikhail: Malapit na to, wait lang.
Mae: Sige.
Bumaba na si Mikhail sa hapag kainan. Nandun na ang kanyang mga magulang at naghahanda na ng pagkain ang kanilang maid. Habang kumakain sila ay biglang nagsalita ang kanyang nanay.
Nanay: Oh Mikhail, kamusta naman ang iyong first day sa school mo? Masaya ba ?
Mikhail: Masaya naman po. Marami na akong bagong mga kaibigan.
Tapos biglang sumingit sa usapan ang kanyang ate.
Mae: Ma, alam mo ba na may nagugustuhan na si Mikhail sa school nila ?
Mikhail: Ma ! Wag ka maniwala diyan kay ate ! Sinungaling yan !
Mae: Totoo naman ah. Kwinento mo pa nga sakin kanina eh.
Nanay: Wag na kayo mag away diyan. Mikhail, wag ka munang mag girlfriend. Marami pa kaming plano sa inyo ng ate mo.
Mikhail: Opo. Kasi po may nabungo ako kanina na babae. Tas tinulungan ko siya kasi marami siyang dala. Tas ayuuuun.
Mae: ASUS ! Kinikilig na yan ! YIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEEEE !
Mikhail: Hindi ah !
Nanay: Tama na yan. Tapusin niyo na ang mga kinakain niyo at matulog na kayo.
Mae & Mikhail: Opo.
Si Mikhail ay umakyat sa kanyang kwarto na naiinis ngunit may halong kilig. Nakahiga na ito ngunit nasa isip niya parin ang babaeng nabanga niya. Hindi matangal sa isip niya ito. Nagdasal siya.
Mikhail: Lord, sana po bigyan niyo po ako ng lakas bukas. Sanapo tulungan mo ako sa mga gagawin ko bukas. At sana po makita ko ulit yung babae na yun. Amen.
Natulog na naka ngiti si Mikhail. Hindi talaga matangal sa isipan niya ang babaeng iyon. Kahit sa pagtulog ay nasa isip niya. Sana daw ay makita niya talaga ulit ang babaeng iyon.