Chapter 2

11.2K 226 21
                                    

CHARLENE KAYLEY’s POV

"Before we start, introduce yourselves one by one.” Panimula ni Ma’am at nilibot ang tingin sa buong classroom.

Bigla namang tumayo ‘yung babaeng... Ugh, hindi ko maintindihan kung anong mukha 'to. Kontrabida o kontrabida?

Tumayo sya nang nakahawak pa sa mamahalin nyang dress at binandera sa buong klase. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at hindi ko alam kung matatawa ako o ano.

‘Yung ibang babae nag-ngangahan at ‘yung mga lalaki naman hindi mapigilang mapatawa.

Napabuntong na lang ako ng hininga. 

Tinignan ko na lang ulit ‘yung babae na nasa harapan na ngayon at huminga muna sya ng malalim at ngumiti ng abot hanggang tainga. 

Napaka-kapal ng make-up nya. Kulang na lang gawin nyang coloring book ang mukha nya.

"HELLO EVERYBODY! MY NAME IS XAVIERA CELIS BUT YOU CAN CALL ME XAVIE, I'M 4 FEET AND 9 INCHES. OBVIOUSLY. AND MY WEIGHT? SECRET! BUT LOOK, I'M SEXY ENOUGH SO YOU DON'T NEED TO KNOW MY WEIGHT. I'M 16 YEARS OLD. I LOVE BIG CURLY HAIRS AND MY FAVORITE COLORS ARE BLACK AND PINK AND I'M THE ONE AND ONLY DAUGHTER OF---" Hindi na nya naituloy ang pag-papakilala nya nang sumingit si Ma'am.

"Uh, Ms. Celis, You may take your seat now. Your name is enough." Pilit na ngumiti si Ma'am kaya natawa kaming lahat. Ang daldal, grabe! Halos lahat na yata ng impormasyon tungkol sa kanya ay sinabi na nya. 

Kinabog pa ako sa kadaldalan. Walang originality!  

"Hey! H-hey! Kayong lahat! Sinong pinag-tatawanan nyo? Si Ma'am o ako?" Lakas loob na tanong nya kahit halatang maiiyak na sya.  

"OMG! HAHA! She's crazy!"

"I thought she's from exclusive school. How come ganyan ang attitude nya?" 

"I know right! Crazier than those groupie!"

“What  groupie?"

"Obviously, Margaux Mitchell's groupie. Margaux, Charlene, Yvonne, and Jenelle Zaveara!"

Aba't loko ‘yun ah! Sinabihan kaming baliw? Putulin ko dila nya eh.

Tumigil na ako sa kakatawa pero tinignan ko sila Mitch, Yvonne, at Zaveara na tawa pa rin ng tawa.

Tinignan ko na lang si Xaviera Celis na papaupo sa upuan nya habang masamang nakatingin sa... Saamin nila Mitch?

"Next!" Sigaw ni Ma’am.

"Sino muna?" Tanong ko kay Mitch.

Teen ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon