Pangalawa

81 3 0
                                    

First of all, sobrang maraming thank you po sa mga nagbabasa nito. Ang cute nyo, tatalian ko kayo ng pa-pigtail dyan eh! :) Di po ako namamalimos ng votes at comments, kayo po ang bahala don. Yun lang. 

--------------------------------------------------------

Iritang-irita yung pagmumukha ni Baron hanggang sa makarating kami sa office. Pero bakit ganun, pogi pa rin? Bakit ba yung mga bad boy type eh laging gwapo, requirement ba yon? Hayyy.

Napa-iling naman ang mga staffs na nasa office dahil sanay na sanay na sila sa Baron na nakikita nila dito. 

Dumiretso kami sa isang room. Yung place ni Mr. Principal.

"Umupo kayo dyan!" Sumunod naman kami ni Baron.

"Ikaw! Ikaw! Kailan ka ba babait?" panimula ni Mr. Principal samin. Parang yung expression niya eh sukong-suko na talaga dito kay Baron.

"Hmm. Let me think...maybe never." malamig na sagot ni Baron. Well, ano pa bang ieexpect natin sa mga bad boy syempre pacool lagi yung sagot, yung maangas talaga.

Nanlumo naman si Mr. Principal sa sagot nito, talagang wala yatang makakapagpaamo dito kay Baron. Baka, ako lang, siguro. Achuchu. Medyo malandi ako sa part na yon. haha!

"Principal na ko ah. Pero parang wala lang sayo. Alam mo, puputi lahat ng buhok ko sayo nyan eh. Pero sa tingin ko huling pagkakataon mo na talaga 'to. Isang buwan kang magduduty sa library natin at sasamahan ka nito ni Ms.Valderama."

Light bulb. Hindi. Flourescent lamp pala. Hindi. Rainbow. Grabe. Kini-kini-kini-kilig ako. Eto yung parusang masarap eh. Hahaha!

Mr. Principal. Ikaw na ba? Ikaw na ba  ang fairy godmother ko? Pero lalaki ka, so fairy godfather! Thank you, Lord! Thank you Mr. Principal! 

"Teka, bakit kelangan kasama pa yang pigtail na yan?"

"Dahil siya ang magrereport sakin ng magiging behavior mo sa pagduduty mo."

"Sus." Nagkikbit balikat lang si Baron.

"Ms. Valderama, maasahan ba kita?"

"OPO NAMAN PO MR.PRINCIPAL. WALA PO KAYONG REKLAMONG MATATANGGAP SAKIN. SALAMAT PO. THANK YOU." Di ko napigilan yung pagkaexcited ko ah.

"Ikaw lang yata nakita kong masaya na pinagbantay kay Baron ah. Sige na, bumalik na kayo sa mga klase nyo." 

Tumayo agad si Baron at lumabas. Susunod na sana ako ng hinila ako ni Mr. Principal.

"Ms. Valderama. Sana ikaw na ang susi sa pagkatino nyan ni Baron. Aasahan kita." bulong sakin ni Mr. principal.

"Super susubukan ko po Mr. Principal." 

After nun, dali dali akong lumabas sa office at sinubukang hanapin si Baron. Luckily, nahanap ko siya este naabutan kasi ang bagal nya pala talagang maglakad, tama yung sinabi ng mga 1st yr na nabugbog.

"Ahmmm, Baron. Bukas na start nung duty natin. After ng 1:30 class diretso ka sa library ah." nakayukong sabi ko sa kanya.

"Paano pag ayoko? At di ako sumipot?"

"Ahh-ah-ehh-hmm. Basta pumunta ka na lang. Wala akong maisip na sagot dyan sa tanong mo eh." nakayuko pa rin ako at nilalaro ko yung left pigtail na buhok ko.

"Ang weird mo, pigtail." Kinilig ako. Di ko alam kung compliment ba yon, pero kinilig talaga ako. Umalis na siya. Pinapanood ko na lang siyang maglakad palayo. At nakapamulsa siya.

Darating kaya yung time na maglalakad ka ng di nakapamulsa dahil yung kamay mo ay hawak ang kamay ko...?

Mas Masarap Mahalin ang Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon