THE WOLF ERA (FANFIC VER.)

512 7 4
                                    

First Day Of 3rd Sem.

Ang mga students ay ready na para sa pagbubukas ng klase. Isa na dito si Hyun Ae, isang simpleng babae na may magaling na abilidad lalo na sa academics. Ngunit siya ay papasok sa isang mundong misteryoso. 

HYUNAE's POV

            Ako si Hyun Ae, 15 years old, mula sa Myeongdong. Ngayon ang unang araw ng klase at ngayon din kami magkikita ni Kai. Siya ang Boyfriend ko. Sikat sa school dahil sa kagwapuhan at kayabangan. Pero alam ko na LOYAL siya sakin. Siya ang first boyfriend ko. Malaki ang tiwala ko sa kanya kahit alam ko na lapitin siya ng mga babae at mahilig makipag-away.

           Pagpasok ko ng classroom, nakita ko agad si Seojoon. Kaibigan ko. Kailan ko lang siya nakilala pero alam ko na tatagal ang pagkakaibigan namin. 

                  "Oy! Hyun Ae! 'Diba magkikita kayo ni Kai ngayon?", sabi ni Seojoon.

                  "Oo, after ng last period natin. Lunchbreak."

               "Ah~ eh saan kayo magkikita? Sa hideout na naman nila. Baka mapahamak ka sa lalaking yon ah!"

                  "Hindi ko alam. 'Wag kang mag-alala, loyal si Kai. Loyal Siya."

         Hinintay namin na matapos ang last period. "Krriiinnggg~~~!", ayan. LUNCHBREAK na! Dumiretso na ako ng canteen at doon nakita ko SILA na naghihintay sakin. Si Kai kasama ang mga barkada niya, sila Sehun, Tao at D.O. SITTING LIKE A BOSS. Ganyan kapag sikat eh.

                   "Baby, tara na! Grabe, namiss kita!"

            Ngumiti nalang ako at 'di na sumagot. Parang ang awkward kasi. Tapos bigla niya akong hinila at inakbayan hanggang sa makarating kami sa hideout nila. Doon sila madalas tumambay. At kapag wala sila sa oras ng klase, alam mo na kung nasaan sila. Hindi ko nga alam kung paano ako napasagot ng mokong nato eh! Basta ang alam ko, mahal ko siya. Mahal ko si Kai.

           Maingay! Maingay sa hideout nila. Puro tunog ng gitara at drums ang maririnig mo. Pati sigawan at tawanan. Pero masaya, masaya ang feeling. Parang new world kapag kasama ko sila.

             Maya- maya lang, tumabi sakin si Kai. Hawak ang gitara niya. "Tuturuan kita mag-gitara, baby." Pero hindi, hindi naman ako marunong eh. Kaya nga tuturuan 'diba? (tanga-tangahan lang). Tumayo siya at pumunta sa likod ko. Ipinahawak niya sa akin ang gitara. Hinawakan niya ang kamay ko, habang tinuturuan niya akong kapain ang bawat chords. At that time, nagblush ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa nahihiya ako o kinikilig lang talaga ako. Siguro dahil first time lang akong magpaturo na mag-gitara. Sa lalaki pa, sa first boyfriend ko pa.

               "Baby, may gagawin ka ba mamaya? Labas tayo. May alam akong coffee shop. Sa Coffee Cojjee."

               Coffee Cojjee? 'Diba si Jaejoong ang owner 'nun? Well, parang gusto kong sumama. Kaya, nang walang ano-ano, napa- OO niya ako.

                        "Sige Baby. Susunduin kita sa Bahay niyo."

                     Nung time na 'yon, naghiwalay na kami. I mean, nag-separate na kami ng landas at umuwi na sa bahay.

                         Syempre, naghanda talaga ako. From dress, hair at accessories. Pero hindi ko parin magawang magsuot ng perfect short katulad ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Ang awkward. Ang awkward kasi eh!

                      Maya-maya lang..... "BEEP---BEEP---!". Nakoo! Ayan na si Kai. Gotta Be Ready! Bumaba nako at ayun, nakita ko si Kai. Naka-black long sleeves at jeans. Ang Gwapo niya.

                          Binuksan niya ang pintuan ng kotse. "Baby, sakay na!" Sumakay na ako at umalis na papunta sa Coffee Cojjee! This is our first date. Our FIRST DATE!

                          Tahimik habang nasa biyahe. Walang kumikibo. Nang bigla siyang magsalita."Baby, may itatanong ako. Mahal mo ba talaga ako?", at hinawakan niya ang kamay ko. "Oo, oo baby. Mahal kita". Ngumiti siya sakin, SMIRK pala.

                         Nandito na kami sa Coffee Cojjee. Kaya niya pala ako inaya sa Coffee Cojjee kasi may Special Stage Performance. Umorder na kami ng makakain. Bigla nalang may tumugtog. BABY DON'T CRY ng EXO. Tumayo si Kai at lumapit sakin. "Baby, can we dance?" Kinuha niya ang kamay ko at isinayaw sa harap ng maraming costumers. "Baby, don't mind them. Sinayaw kita, it means ikaw lang ang babaeng isasayaw ko," Then he smiles at me. Ang saya ng gabing 'to! Sobraaaa~!

                           Hinatid na niya ako sa bahay namin. Bigla niya akong hinalikan. Umalis na siya. Ang sarap, ang sarap sa feeling. That's my very first kiss!------ feeling inlove :* <3 xoxo

THE WOLF ERA (FANFIC VER.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon