LYING TO YOU

43 1 1
                                    

KAI'S POV

    Ako si Kai, boyfriend ni Hyun Ae. Maganda siya, matalino at may sense of humor. Nagkita kami sa canteen kanina. Tumambay kami sa hideout. Nandito kami palagi lalo na kapag tinatamad kaming umattend ng klase.

     Maingay dito. Puro gitara at drums ang maririnig mo pero masaya naman kami lalo na kapag magkakasama ang barkada. 

      Tinabihan ko si Hyun Ae. Tuturuan ko siyang mag-gitara. Sabi kasi ni SeoJoon, gusto talaga niyang matuto. Kaya, hinawakan ko ang kamay niya habang tinuturuan ko siyang humanap ng chords. Nakita ko siyang nag-blush. Napangiti nalang ako.

     Inaya ko siya sa Coffee Cojjee. Nagulat ako kasi ang bilis niyang sumagot ng OO. Sabi ko nalang na susunduin ko siya mamaya sa bahay nila. 

      Syempre, kahit papano eh naghanda naman ako. Sa damit, pabango at importante ang buhok ko. Iniisip ko kung ano kaya ang isusuot ni Hyun Ae. Ang sexy niya siguro. Hahaha!

     Umalis na ako para sunduin ang baby ko. "BEEP-BEEP!", nakita ko na siyang lumalabas ng bahay nila. WOAH! Ang ganda niya. Naka-floral dress at 4 inches na high heels. Ang ganda niya kahit ineexpect ko na magsusuot siya ng perfect short tulad ng mga girls ko.

     "Baby, sakay na!", at umalis na kami to Coffee Cojjee. Ito ang first date namin.

     Grabe, ang tahimik sa biyahe. Pero para magbago ang atmosphere, nagsalita ako. "Baby, mahal mo ba ako?", habang hawak ko ang kamay niya. Nagulat ako sa sinabi ko. "Oo, oo baby. Mahal kita.", 'yan ang sagot niya. Nagsmirk ako para 'di halatang nagulat ako.

     Pagdating namin sa Coffee Cojjee, umorder na kami ng makakain. Biglang pinatugtog yung Baby Don't Cry ng EXO. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Inaya ko siyang sumayaw sa harap ng maraming tao. "Don't mind them, sinayaw kita kasi ikaw lang ang babaeng isasayaw ko." Nakita ko siyan ngumiti kasabay ng pagngiti ko.

     Hinatid ko na siya sa bahay nila. I kissed her saying "Baby, i love you." Kinabahan ako. Umalis na ako at umuwi narin sa bahay.

     Nakonsensya ako bigla. Niloloko ko siya. Niloloko ko lang siya. Naalala ko nung mag-kakausap kami nila Sehun, Tao at D.O...

FLASHBACK

Nandito na naman kami sa hideout. Loko talaga tong si D.O., may nililigawan na naman. Buti nalang ako, mga girls ang nanliligaw sakin. "Tapang ng hiya nito!", sabi ni D.O. Hahaha! Totoo naman eh. Mga babae ang lumalapit sakin.

"Sus, patunayan mo nga Hyung!", banat ni Sehun.

"Oo nga. Nakita mo ba yan? 'Yan, 'yan! Ligawan mo 'yan! 'Pag sinagot ka niyan, maniniwala kami sayo!", sabi ni Tao.

"Hah? Si Hyun Ae yan diba? Yung topnacher ng year natin?"

"Oo! Pupusta ako ng malaki! Hindi mo mapapasagot 'yan! ", sabat ni D.O.

"Ibibigay ko lahat ng number ng girls ko sayo kapag napasagot mo yan!", pusta ni Tao.

"Oo nga Hyung! Ibibigay ko sayo yung gitara ko!", loko ni Sehun.

"Sige, sige. Madali lang yan! Si Hyun Ae lang pala eh! Madali lang bumigay yan!"

      Liligawan ko si Hyun Ae. Hindi ko naman type 'yun eh, Masyado siyang simple. Kundi lang talaga sa mga mokong nato, hindi ko naman liligawan yun eh! Hahaha! Kaya ko 'to! Easy-to-get lang yung babaeng yun!

-FLASHBACK ENDS-

     Ang sama ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Hindi din kasi ako sigurado kung mahal ko talaga siya. Hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ako. Ang bait-bait niya. Ang bait-bait niya sakin. Ang sama-sama ko!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE WOLF ERA (FANFIC VER.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon