Chapter 1:Introduction

15 2 2
                                        

Krisha's POV

And they live happily ever after...

*close book*

Hayy. Ang ganda talaga ng ganitong kwento yung sa huli masaya silang mabubuhay ng magkasama. Ang ganda talaga isipin yun.

Ako nga pala si Krisha Mille B. Cruz. 16 years old at nag-aaral sa KASH academy. Bookworm at hopeless romantic. Nasisiyahan ako sa pagbabasa ng mga kwentong may happily ever after. Kasi magiging worth it ang napagdaanan nila dahil naging masaya sila sa huli.

Ganoon din ang gusto ko mangyari saamin ng taong mahal ko. Kahit ano pa man ang mapagdadaanan namin kami pa rin kasi mahal namin ang isa't isa.

Akala ko noong una,  matagal pa bago ko mararanasang magmahal. Nagbago ang lahat noong nakilala ko siya.

Siya si Migs Montemayor.
Sikat siya sa school namin. Matalino,  mayaman, athlete at syempre gwapo.

Hindi ko talaga gusto ang ugali niya noon. Siya ang isa sa mga taong kinaiinisan ko dati. Napakataas ng tingin niya sa sarili niya dahil ang daming humahanga sa kanya.

Kaya ko siguro natapakan yung ego niya. Isa kasi ako sa mabibilang lang na babaeng hindi tumitili tuwing dumadaan siya. Hindi ko rin siya binibigyan ng special treatment. Kaya siguro nakuha ko ang atensiyon niya. Sino ba naman kasi ako? Isang estudyante lang na walang pakialam sa ibang tao maliban sa kaibigan ko.

Naalala ko pa noon lagi ko talagang iniiwasan na magtagpo ang landas namin. Lagi niya kasi akong pinagtitripan. Hindi niya kasi inaasahan na iba ako sa lahat. Walang araw ang lumipas na hindi niya ako iniinis at pinagtritripan. Naging usap-usapan ako ng mga chismosa sa school dahil laging nasa akin ang atensiyon niya. Hindi ko ginusto ang atensiyon na yun pero nasanay na rin ako.

Hanggang sa naging komportable na kame sa isa't isa.
Hanggang sa hindi ko namalayan na nahuhulog na pala ako. Mabuti nalang at handang-handa na pala siyang saluhin ako.

Flashback

Nandito kame ngayon ng bestfriend kong si Mist sa park. May magandang show daw kasi dito mamaya. Hindi ko naman alam kung anong show ang tinutukoy niya. Sumama nalang ako dahil yun ang gusto ng bestfriend ko. Pagdating namin sa may playground ng park nakita ko ang isang napakagandang set-up. Napakaromantic ng ambiance parang kinilig ako ng wala sa oras. Nagulat ako nung bigla akong tinulak ni Mist. At sa oras na yun doon ko lang napansin ang taong nakatayo malapit sa naka set-up na table. Bigla nalang nagplay ang isang slow music. Unti-unti siyang lumapit sa akin.

"Krisha, can I have this dance?" Nakangiti niyang sabi.
Hindi na ako nakapagsalita. Kinuha niya nalang ang aking kamay at sinayaw na. Sayaw lang kame ng sayaw nang bigla niyang binasag ang katahimikan.

"Marahil nagtataka ka kung ano bang nangyayari o kung ano ba ang meron" sabi niya.

"Uhm, oo, magkahalong taka at gulat. Ano bang meron? Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito? Pwede bang iexplain mo saakin ano ba ang meron?" Mabilis na saad ko. Hindi ko alam kung paano ko nasabi iyon ng sunod-sunod dahil gulat ako.

"Shhh. Makinig ka saakin. Noong una kitang makita, naging interesado ako agad sayo. Ikaw lang kasi yung kaisa-isang taong nakita kong hindi tumigil at hindi ako pinansin. Mismong bestfriend mo nga tumigil nung nakita ako. Samantalang ikaw, nagtuloy tuloy ka lang ng lakad mo. Parang natapakan tuloy yung pride ko. Nagsimula na akong inisin ka at hindi ko na namalayan na hindi ka na maalis-alis sa isip ko. Mula umaga hanggang gabi iniisip pala kita. Hindi ka maalis sa isip ko. Hindi ko alam bakit tila namagnet ka na sa isip ko hanggang unti-unti ka na ding namamagnet sa puso ko. Noong una denial pa ako pero ngayon siguradong-sigurado." Humugot siya ng isang malalim na hininga.

"I like you. No. I'm falling for you Krisha Mille. You're the only one who can make me crazy and happy at the same time. When I'm with you, time seems to run faster than ever.  Whenever I'm teasing you,  I feel complete. I love to see your pissed face. I love your smile. I love everything about you. I want you to be mine. Just mine." Nagulat nalang ako nang bigla siyang lumuhod. Hindi na ako nakapagsalita.
"Krisha Mille Cruz, I want you to be mine. Can I court you?" Nahalata ko ang kaba sa kanyang boses habang sinasabi niya ito. Hindi ako nakapagsalita pa, tumango nalang ako.
"Talaga!?" Masayang sabi niya.

*END OF FLASHBACK.*

May date kami ni Migs ngayon. Nakasanayan na namin magdate kapag hindi kame busy. Hindi ko pa rin siya sinasagot. Hindi naman siya nagtatanong eh. Ineenjoy lang namin ang moment na magkasama kame.

Kring Kring

"Hello Krish? I'm on my way. See you"
"Okay. See you. Ingat sa pagdradrive."

Paglipas ng 5 minuto,  dumating na siya. Saan na naman kaya kame pupunta nito? Lagi niya talaga akong sinusurpresa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The RideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon