Napakasayang malaman na mahal ka ng taong mahal mo.
Parang laging nasa cloud nine ang utak mo dahil sa kilig.Corny man pakinggan pero parang isang ngiti lang ng taong mahal mo nabubuo na araw nabubuo na araw mo. Isang simpleng "I miss you" lang kilig na kilig ka na. Simpleng banat lang niya parang nagwawala lahat ng paru-paru mo sa tiyan.
Hindi mo maintindihan kung bakit ang saya saya mo sa simpleng gestures at sinasabi niya pero kahit hindi mo maintindihan bakit ganoon, ramdam naman ng puso mo ang sagot.
Ganoon kasi pag mahal mo ang isang tao kahit ang simpleng bagay nagiging espesyal dahil sa kanila.
Ngunit.
Kahit gaano pa kasaya ang isang relasyon, hindi pa rin maiiwasan ang tampuhan, bangayan, away at inis sa isat isa.
Hindi maiiwasan na mapupunta ka sa puntong gusto mo nang bumitaw.
Gusto mo nang tumigil.Dahil napapagod ka rin pero maiisip mo pa rin na hindi pwede. Pag nagmahal ka kailangan gawin mo ang lahat para maipakita yun. Lahat ng paraan gagawin mo pa hindi lang masaktan ang mahal mo.
Maraming pagsubok, maraming hadlang.
Pero kayo ang gagawa ng paraan kung paano niyo ito malalagpasan. Kayo ang pipili ng landas na gusto niyo. Nasa inyo pa rin ang huling alas. Sa inyo pa rin kung ano ang gusto niyong maging kalabasan nito. Dahil sa huli kayo ang gumagawa ng sarili niyong tadhana.
Hindi maiiwasan ang masaktan dahil hindi tayo lagi nasa itaas. Kaya dapat maging handa tayo parati.
BINABASA MO ANG
The Ride
عاطفيةAng buhay natin parang roller coaster. May taas, may baba, may paikot-ikot, meron ding tama lang. Kahit ano pa ang kakaharapin mo, ikaw pa rin ang magdidikta kung magiging masaya ka ba, o matatakot sa mga mangyayari. //First Story//