Bakit Single pa rin Ako?

50 2 0
                                    

Halos lahat ng kabatch natin, nabuntis o nakabuntis, ikinasal, ikakasal o engaged na. Yung iba nga, ilan na ang nabuntis, pero magpapakasal pa lang. Meron din na naano at nang-ano lang. Samantalang ako, heto, sa loob ng mahabang panahon, single pa rin.

Alam mo, hindi ko rin maintindihan kung bakit walang nanliligaw sa akin, eh. Sabi ng Nanay, hindi naman daw ako pangit; hindi lang daw talaga ako marunong mag-ayos. Tinignan ko nga kanina ang sarili ko sa salamin bago umalis. Hindi man ako maputi, hindi rin naman ako maitim. Sakto lang. Hindi naman ako nagmimake up dahil allergic ang mukha ko. Madaling mangati at mamula. Ang mahal naman pag yung hypoallergenic o mineral cosmetics ang bibilhin ko. Ang kilay ko naman, hindi ganun kakapal. Keri lang kahit di bunutan. Hindi rin naman sabog. Mahaba naman din ang pilik-mata ko na bumabagay sa kulay tsokolate kong mata. Uy, natural yan.

Hindi ko man na-experience magbraces, hindi naman sungki-sungki ang ngipin ko. Ok lang naman tignan. Alaga naman din sa toothbrush eh. Hygenic naman din ako. Hindi lang talaga palaayos. Ang buhok ko naman, tinawag na virgin ng baklang parlorista ng minsang ipatrim ko. Gupit palang daw kasi ang naransan. Kahit kulay o anumang treatment, di ko pa napagawa ever. Kasi naman, di ako napagkalooban ng makapal na buhok. Kaya tuloy takot ako sa chemicals ng mga treatment products. Baka lalong malagas. Bagsak naman eh, keri na to.

Makinis naman din ang mukha ko, sa ngayon. Pasalamat na lang at bihira lang dalawin ng tigyawat ang mukha ko. At ngayon, wala akong tenant. Echuserang tigyawat yan! Dalawang pwesto lang sa mukha ko ang alam na pamalagian: ang gitna ng noo o dulo ng ilong ko. Oo, kung saan pa kitang-kita, doon pa sila tumatambay. Tila ba'y stage ang noo at ilong ko at ang intrimitidang tigyawat ay mistulang beauty queen na buong pride na nakatayo at nagsha-shine sa spotlight. Gan'on.

Hayaan mo na nga. Mas kailangan ko pa rin ng oras para magpahinga. Sa dami ba naman ng stress sa araw-araw na trabaho, mukha ko pa ba ang aatupagin ko? Mas masarap pa rin ang matulog. Night shift ba naman eh. Nagtataka ka siguro. Haha. Oo, customer service agent ako. Kahit pa Science major ako nung kolehiyo tayo, wala, hindi ko na pinursue ang graduate studies. Mas kailangan kong suportahan ang pamilya ko. Panganay duties, alam mo na.

During break, nagchecheck ako ng Facebook account ko. At syempre, hindi mawawala ang pagbisita ko sa profile mo. Friends naman tayo eh. Ikaw pa nga ang nag-add sa akin. Kaso, ayun, ni isang message, wala akong nareceive mula sa iyo. Ayoko rin namang mag-initiate ng conversation. Mahirap na. Aandar na naman ang pagiging mayabang mo. Sus! Para sabihin ko sayo, pumayat ka man, malaki pa rin ang nguso mo! Hahaha.

Maalala ko nga noong nasa high school tayo. Bago palang tayo n'on eh. Malaking mama ka na talaga. Pero infairness, talented ka. Member ka din ng glee club at kasama sa basketball team ng batch natin. Marunong ka din tumugtog ng gitara at keyboard. At eto pa, ang puti mo at chinito. Kaso nga lang, ang laki ng nguso mo! Oo. Yun nga panukso sayo ng nga classmate mo e: Nguso. Pero wa pakels ako noon. Eh ano kung malaki ang nguso mo, mas malaki naman ang puso mo. Hahaha. Mabait ka naman eh, touchy nga lang. Pasensya ka na kung lagi kong pinipilipit ang braso mo pag tinatangka mong hawakan ang kamay ko. May phobia kasi ako, hindi ko nasabi. Sira noon ang pinto ng CR namin sa apartment. Habang naliligo ako, may biglang humawak sa akin. Sayang lang, hindi na naabutan ni Tatay ang manyak na yun. Kaya mula noon, sumali ako sa judo club. Pangself defense na rin. Ikaw naman kasi, bigla mong hinahawakan ang kamay ko, nasasampolan tuloy kita ng natutunan ko.

Gentleman ka naman eh. Lagi kang nakaalalay sa akin. Ipinagbubukas mo ako ng pinto. Inihahatid mo pa ako sa sakayan ng tricycle after class. Ang tiyaga mong hintayin akong matapos sa pagreresearch sa library. Kahit inaantok ka na sa dami ng librong nakikita mo sa paligid, hinihintay mo pa rin ako. Ewan ko ba. Pag nakakakita ka ng libro, inaantok ka. Dahil ba sa amoy? Weird mo. Hmm. Okay na lang din kahit matulog ka, inaantay mo naman ako. Hindi naman tayo pareho ng way pauwi, pero ang tiyaga mo akong maghintay, tapos sa sakayan mo lang naman ako ng tricycle ihahatid.

Bakit Single pa rin Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon