Kailan

12 1 0
                                        

Lagi na lang ba kitang hahanapin?
Sana nasa ilalim ka lang ng kama ko
Naiwan sa kotse
Nakalimutan sa bahay ng barkada
Namissed place
Lagi na lang ba kitang hahanapin?
Pero bakit palagi na lang kitang nakikita sa iba?
Wala pa ba akong karapatan para makita kita?
Ano bang meron siya na wala ako?
Lagi na lang ba kitang hahanapin?
Palagi akong nagdadasal na sana for once ako naman yung hanapin mo
Subukan ko kayang di kita hanapin baka sakaling makita mo ako.
Sana sa isang araw mahanap mo din ako
Nakakapagod na kasi minsan
Hindi ako desperada pero di naiiwasang
Magisip at magtanto
Duling yata si kupido kasi parang sa paligid ko lang palagi siya pumapana
Sana sa isang araw , mahanap ko din yung pag-ibig na inaasam at pinagdarasal ko.

Ang mga tulang para sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon