Simple pero masarap sa pakiramdam
Apat na letra ngunit ang laki ng kahulugan
Yung tipong ayaw mong matapos at mawala
Yung tipong "Sana huminto ang oras"Yung alam mong kahit huminto,nandyan pa din siya sa'yo
Yung nakikita mo yung sarili mong nakangiti na daig ang commercial ng toothpaste
Yung sana na ngayon mo na lang ulit naranasan, parang lumulutang at nananaginip.Yung saya na alam mong may ikaw at ako
Yung saya na alam mong may nagpapasaya sa'yo
Yung sayang may nagaalaga sa'yo at alam mong ikaw lang
Yung nakikita mo yung hinaharap na kasama siyaYung sigurado ka na sa kanya
Yung alam mong ipagmamalaki at ipapakilala mo siya
Yung kasama mo na sa lahat ng desisyon mo
Yung alam mong siya na hanggang sa huliNgunit ito na yung kinatatakutan ko
Yung huminto ang oras
Yung saya na unti unting nagiging saya-ng
Yung alam kong naging akala ko
Totoo nga, nakakamatay ang maling akalaSayang yung ikaw at ako pero oo nga pala, walang tayo
Sayang yung tutupadin kong pangarap para sa atin na ngayo'y sa iba ka na kumakapit
Sayang ako lang pala yung siguradoKung gaano katamis ang salitang saya , ganito pala kapait ang salitang sayang.