Pag karating nga sa sariling silid ay agad na nag hubad ng uniform si Lyka. Nasulyapan nya ang Lumang salamin na nakabit sa tukador . Mula roon ay Kita nya ang Hubog ng kanyang katawan. Kahit sya ay aminado na maganda sya. Minsan nga ay hindi nya mapigilang humanga kahit sandali sa sariling repleksyon sa salamin. Mataman nya pa ding pinag mamasdan ang sarili. Napasimangot sya nang mapagawi ang kanyang mga mata sa kanyang dibdib. Paano ba nama'y pakiramdam nya ay araw araw din itong lumalaki. Ito yata ang namana nya kay aling Melagros. Ang malulusog na dibdib.
Pamaya maya pa'y humugot na sya ng pambahay na damit at isinuot iyon. Pagkatapos ay bumababa na sya para saluhan ang inay nya sa inihanda nitong hapunan nila.
Pagbaba nya ng kusina ay naratnan nyang nag hahain na nga ang nanay nya. Wala na doon ang ninang Penang nya. Umuwi na raw ito. Ayon sa inay nya, sinundo na daw ni Blessie.
Si Blessie ay Anak nga ni aling Penang. Bagamat Matanda ito sa kanya ng tatlong taon, Kasabayan nya lang itong ga-gradwyet ngayong taon. Medyo mahina talaga ito sa klase. (medyo medyo lang naman.)
At dahil na din siguro matalik na mag kaibigan itong mga magulang nga nila, Pati sila ay nahawa. Kape't gatas sila ni Blessie, Maputi sya, maitim ito. kulot ang buhok nito at medyo pandak. Ganun pa man, Hindi totoong pangit itong si Blessie, ang bilugan nitong mata ay malalantik ang pilik. Makapal man ng bahagya ang mga labi nito'y bumagay naman sa hugis pusong mukha nito. Matangos din ang ilong nito. MaiTim Man ito ay pino naman ang kutis.Pag katapos nilang kumaing mag-ina ay nauna ng nahiga si aling Melagros. Si Lyka naman ay nag ligpit ng pinag kainan At hinugasan ang mga iyon.
Sya, Lyka, Mauna na akong matulog sayo anak. Pag katapos mo diyan ay matulog ka na din. Bukas nga pala ay samahan mo akong magtinda sa bayan ang mga napitas kong gulay at prutas kanina. Total naman e, Sabado Bukas. Kailangan nating mag impok na kahit papaano habang malayo pa ang sunod na pasukan.
Good Night Inay, I love you po. sige po nay, sasamahan ko po kayo bukas. Banggit nya habang nakayakap sa nanay nya. Tatapusin ko lang po ito at aakyat na din po ako.
GooD night din anak. Matulog kana huh. Para mas lalo kang gumanda. Nakangiting Sabi ng nanay nya. Pag katapos ay pumanhik na nga ito.
Pag kakinabukasan, Maaga pa lang ay Laman na nga nang siksikang palengke ang mag nanay. Dahil wala naman silang pwesto talaga doon, Sa gilid na lang ng Kalsada Inilatag ni Aling Melagros ang daladala nilang sako na pinagtagpi-tagpi at tsaka doon inihilera ang dala nilang mga paninda.
Maya maya ay abala na ang mag ina. Sariwa ang mga gulay na tinda nila. Sariling Tanim kase ito ni aling Melagros. Kaya naman Mabinta talaga. Pag kamaya maya pa ay may narinig silang tunog mula sa unahan nila.
blannnnggggg... Tunog iyon ng isang bagay na sumalpok sa isang matigas na bagay, Pag kamaya maya pa ay isang kariton na puno ng gulay ang mabilis na gumugulong papunta sa kanilang pwesto.
Naaay... sabay hila sa damit ng matanda. Mabuti na lang at maagap sya. Kong hindi ay baka napailalim ang matanda sa humahagibis na kariton. Napalugmok sya at napadagan sa nanay nya at ngayon nga ay hinihintay nya ang tunog ng mga prutas at gulay kong papaano ito madaganan ng kariton. ---Subalit...
Ay! Naku po. Aba'y Tulungan nyo nga ang binatang iyon. Kawawa naman.Wika ng isang Ali mula sa Di kalayuan sa kanila.
Lumingon Si Lyka at pag katapos ay inalalayan ang ina para maka tayo.
Okay ka lang nay? May masakit po sa inyo? Pag-aalalang tanong nya.
Ahhh,... Miss, Pwede bang paki kalsuhan muna ng gulong nitong kariton. Masyadong mabigat eh. Agaw pansing tawag sa nya ng isang lalaki.
Mabilis ang mga matang nag hanap ng bato ang dalaga. Tyepmo namang may isang bato syang nakita mula sa pinag kalugmukan nilang mag-ina kanina. Mabilis nya ngang ikinalso iyon sa gulong ng kariton na nakaumang sa kanilang paninda.
"Maraming Salamat sayo. " Sabi ni lyka habang pinapag-pag ang sarili. Nay okay lang po ba kayo? Sabay tapon ng Tingin sa inang Abala din sa pag lilinis naman ng sikong may sugat.
Naku e, nagalusan ang makinis kong balat. Pag bibirong sagot nito. Tumama yata ako doon sa bato nsng madaganan mo ako Lyka.
Putragis ka naman kaseng bata ka. Hindi nga ako masasagasaan ng Kariton, Papatayin mo naman ako sa bigat mo. Ikaw naman ang dumagan sa kin. Tsk . Iiling-iling nitong wika.Hindi na naintindihan ni Lyka ang sinabi ng ina. Paano naman e, Nakikipag titigan na sya sa lalaking tumulong sa kanila. Aba Dios na mahabagin, Kagwapo kase ng lalaking ari. Matangkad, Morino, Medyo kulutan ang buhok,Matipuno ang pangangatawan at itsura itong mayaman. Napapatulala tuloy sya. Nga-nga ang Peg ng Aling Lyka. Pak-pak na lang kase ang kulang at isa na itong Anghel sa paningin nya. Idag-idag mo pang nakangiti ito ng pag katamis tamis. Haaaayyyyyy...
Hoy! Lyka, Madahang tinapik ni aling Melagros ang baba ng anak.
Aba'y ano bang nangyayari sa iyo? Bakit nakanganga ka dyan? Itikom mo nga iyang bibig mo't, Baka pasukan yan ng Langaw. Punasan mo na din yang laway mo. Tulo laway ka eh. Pang aalaskang wika pa nito.Para namang napahiya si Lyka sa sinabi na nanay nya. Pinunasan nya nga nang likod ng kamay nya ang bibig.
Nay naman , Kong makatulo laway naman kayo dyan. hindi naman po. Pag mamaktol nya. Nahihiya tuloy syang tumingin sa kaharap nya.
Animo'y aliw na aliw naman sa kanya ng binata. Napapahagikhik pa ito sa mga itinuran ng kanyang nanay.
Ay bakit? ay tutoo naman a. Kong makatingin ka Dyan kay Joshua eh akala mo'y Ulam at ikaw ay takam na takam. Kulang na lang ay isubo mo at nguya-nguyain. Kanina pa yan nakikipag kamay sayo. Ikaw naman ay parang tuod lamang diyan.
Mas lalo syang napahiya. Kanina pa pala nakalahad ang kamay nito para makipag kilala sa kanya.
Nahihiya man ay pinasadahan nya muli ang mukha nitong pag kagwapo gwapo. Nakangiti pa din ito sa kanya.
uhmm... Lyka Valdez. Sabay daop ng palad nya sa kamay ng binata. Uhm. Makinis ang kamay nito.
Joshua Aliguere. Sabit naman nito.
Maraming salamat sa pag tulong mo kanina. Kong Hindi e, baka nalunot ang paninda namin.
Sir, Alis na daw po tayo, Wika ng isang lalaking naka uniporme. Nakatayo ito sa likuran ng Binata.
Aling Melagros, Lyka Mauna na po ako. Wala iyong ano man Lyka. Sabi nito.
Basta po Nay, Sa susunod po ay sa loob po kayo mag tinda. Delikado po dito sa napwestuhan ninyo. Bukod po sa Pababa na e, gilid po Pa po ng kalsada. Baling naman nito sa nanay nya. Sige po, alis na ako.
Masaya akong nakilala ka Lyka, Pagkuwa'y tumalikod na ito at nakipag siksikan sa ibang tao.
Kakilala nyo po ba iyon nay? Bakit po alam nyong Joshua ang pangalan nya?
Ay meryosep na bata arE!.Hindi ba't nakipag kilala sya sa akin kanina. Dyan pa nga sa harap mo ah... Naku Lyka Tulungan mo na akong mag ligpit. Total naman eh, kakaunti na ito. Ilalako ko na lang ito sa mga kapit bahay natin. Mag aalas dose na. Uwi na tayo.
Napapakamot na lang sa ulo ang Dalaga. Ano bang nangyayari sa kanya? nahipnutismo yata sya ng binata. Kinuha nya nag basket at saka inigay doon ang tira pa nilang paninda. At habang ginagawa iyon ay ang binata ang nasa isip nya. Gwapong gwapo talaga sya dito.
#please comment and Vote.. Thank you!
BINABASA MO ANG
Sino Ang Matimbang?
RomanceSi Lyka Ay isang babaeng makaluma. Naniniwala syang ang pag papaubaya ng sarili, Kapag hindi pa kasal ay isang kasalan sa Panginoon. Papaano kong Dumating ang oras na hingin sa kanya ng pinamamahal nya ang isang bagay na para sa kanya ay sagrado?