IV - Every Broken Pieces

89 3 0
                                    


Ayaw tanggapin ng utak ko ang mga narinig ko. It was too painful. Hindi na rin kinaya ng katawan ko ang pagod at stress na naranasan ko.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay. Hindi ko alam kung gaano katagal ako nakatulog.

"Gising ka na pala, hija. Gusto mo bang kumain?" tanong ng mommy ni Wil.

Umiling ako bilang pagtugon.

"Sigurado ka? Wala pang laman 'yang tiyan mo mula pa kahapon. Heto ang tubig, uminom ka man lang."

Kahapon? Pinilit kong bumangon at sinunod ko ang sinabi niya. Uminom ako ng tubig. Siguro, I was dehydrated.

"I'll just go to Wilson's room to check him. Maiwan muna kita."

"Sige po Tita, salamat po."

Si Wilson... he survived. The operation was successful. I should be happy, right? Pero hindi ko maiwasang maging malungkot.

Si Ulysses... wala na siya. Iniwan na niya talaga ako. Iniwan na niya kami. He gave his heart to his brother. Si Wilson ang kapatid ni Ulysses, half brother to be exact. Magkapatid sila sa ama. Hindi ko man lang napansin na may kaunting pagkakahawig sila. Apelyido naman ng mommy ni Wil ang gamit niya kaya hindi pumasok sa isip ko na magkakilala sila.

Ang sabi sa akin ng papa ni Ulysses, sumulat din ito sa kanya na kung may mangyayari mang masama sa kanya, he's willing to give his heart to his brother. At iyon na nga ang nangyari. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko.

Nang maramdaman kong bumalik na ang lakas ko, pinuntahan ko si Wilson sa kwarto niya.

Naabutan ko siyang umiiyak. May sulat din siyang binabasa. Nang mapansin niya kong nakatayo malapit sa pinto tinawag niya ko.

"Venice..." mahina niyang sabi. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"How are you feeling?" I asked.

"Masakit."

Napaiwas ako ng tingin. "Magpahinga ka lang. Hintayin mong bumalik ang lakas mo."

"I'm sorry, V. Hindi ko natupad ang promise ko sa'yo. Hindi ako naging honest sa'yo. Sana hindi na lang ako nabuhay."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Wil! Huwag mong sabihin 'yan! Ulysses gave his heart to you so you can live. Huwag mo naman sanang sayangin 'yung pagkakataon na 'yun." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Si K-Kuya... wala na siya dahil sa akin. Hindi ko magawang matuwa. Patawarin mo ako Venice. Kung alam ko lang... kung alam ko lang sana..."

Naiyak na naman siya at ako pinipigilan ko rin ang sarili ko.

"Shhh... Tama na 'yan Wil. Makakasama 'yan sa'yo."

"Heto ang sulat ni Kuya para sa akin. Gusto kong mabasa mo. Mahal na mahal ka niya, alam mo ba 'yun?"

Hindi ako sumagot. Ibinigay niya sa akin ang sulat at nag-aalinlangan man, kinuha ko na rin. Naupo ako sa tabi niya habang siya naman ay pumikit.

Tol,

Gusto kong mabuhay ka pa ng matagal at magawa mo ang mga bagay na gusto mong gawin kaya please lang, hintay-hintay ka lang diyan.

Every Broken PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon