Zzzzz....
Ano yung POV?
Kapangyarihan ba yun para malaman ang saloobin, nararamdam at iniisip ng isang bida man o hindi, para sa ikabubuti ng storya?
Ah hinde,
POV?
Yung ano yun eh, yung gameshow na pipili ka kung pera o bayong...
diba?
Pera O Vayong?
diba?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
HAHAHAHA! KORNI KO SYET!! XD
Anyway,
Hindi po ako gumagamit nun, ako si Travis eh. HAHAHA! Konek? Hindi ko kasi alam yung eksaktong nararamdaman ng isang tao kahit pa malapit ako sa kanya o kahit na importante siya sa buhay ko. Pero, kayang kong maramdaman ang kanilang feelings. Like an ordinary man.
Kahit nga normal na tao, minsan hindi kayang gawin yan.
Tapos gusto pa nilang maging si Harry Potter o kaya si Edward na kumikinang (*kinang* *kinang*)
Eh hindi nga nila maramdaman kahit na ang pinakaobvious na nararamdaman ng tao sa paligid nila.
Hindi din nila kayang maging sensitive of the feelings from people around them and become unselfish of their acts.
Kung yun lang hindi nila kaya, maging EXTRAORDINARY pa kaya?
Superman is only created by imagination. Without our imagination, he is nothing. Who's more powerful now?
Aso mode is signing off...
Takbo...
takbo...
takbo..
takbo..
Sige lang Travis!
Hanggang takbo lang ba kaya mo para kay Stella?
Earlier ------
"Guys, may pupuntahan lang ako. Baka sumunod na lang ako." sabi ko.
"Oh bakit? Alam mo ba kung saan kami pupunta?" sabi ni Casio.
"Eh basta. Itext niyo na lang ako." sabi ko.
"Sino ba yung tumawag?" tanong ni Karson.
"Ah, wala. Urgent lang talaga to." sabi ko.
"Ngayon na nga ako makakasama tapos ----" hindi na natapos ni Karson yung sasabihin niya.
"Dre, I'm serious." sabi ko tapos kumaripas na ako ng takbo.
Nakalabas na ako ng school. Fortunately yung hospital medyo malapit lang dito. Mamahaling hospital talaga yung pinili nila. At fortunately, nakapunta na din ako dun. Kaya nagmadali na talaga ako.
Pero kahit nagmamadali ako, di ko maiwasang..
MAGING ASO! HAHAHA.
Mabilis naman yung sinakyan kong jeep pero madami talaga akong napapansin kahit na ganitong tense ang sitwasyon.
Habang nakasakay ako sa jeep,
tumigil yung jeep kasi nakared yung traffic light. Tapos may sumakay na bata. Maliit, sira-sira yung damit, madumi at mabaho. May hawak siyang mga sobre. Inaabot niya yun isa-isa sa mga nkasakay sa jeep.
![](https://img.wattpad.com/cover/421405-288-k62298.jpg)
BINABASA MO ANG
"NABASA KO NA YAN"
Novela Juvenil(Isang nakakaaliw at kakaibang story description na magiging dahilan upang mahikayat ka at hindi mapigilan na basahin ang kwentong eto. That's all. Dami pang arte eh.)