"Punyeta naman oh!" Yumuko ako at pinulot ang mga librong nahulog sa sahig. Hindi ko sinasadyang mabunggo ang isang katulad nya.
"Tanga-tanga talaga kahit kailan!" Sigaw pa nya. Halata sa boses nya ang pagkairita. Sana manlang tinulungan niya ko pulutin itong mga libro. Kasalanan din naman nya dahil dirediretso ang paglalakad nya.
"S-sorry." Dumuko ako lalo para matakpan ang mukha ko.mahirap na. Baka mamukaan nila ko. Hindi pwede.
Nanlaki ang mata ko ng itulak ako ni Matthew. Napaupo ako sa sahig at nahulog uli ang mga librong kakapulot ko lang kanina. "Bakit? May magagawa ba yang sorry mo huh?!" Inis na sigaw niya. Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bakit kasi kailangan nya pang palakihin nang ganito? Hindi ko naman sinasadya na mabunggo sya ah? Hindi nalang ako umimik at muling pinulot ang mga libro tsaka tumayo.
"Aba't! Pipi ka ba huh?! Walang kwenta! Tatanga tanga na nga, hindi pa marunong magsalita. Punyeta tabi nga!" Tinulak nya ulit ako pero hindi ako nagpatinag. Kumukulo na ang dugo ko. Hindi! Kailangan kong magpigil! Hinayaan ko nalang syang dumaan kasabay ng bulong-bulungan.
Naglakad na ko paalis ng canteen at dumiretso sa lumang library. Walang masyadong tao rito kaya madalas akong nakatambay dito. Nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan siya.
"Napatawag ka Andrea?" Ngumisi ako at hinawi ang buhok ko. Inalis ko rin ang pekeng salamin ko.
"Next target; Matthew Dominic Lee. " Tumawa naman sya na nagpakilabot sakin.
"Masusunod, Queen." Ngumisi ako. Kung inaakala nila na isang ordinaryong nerd lang ako, napakalat kalat, mahina, walang laban, tatanga-tanga at puro pag-aaral ang inaatupag, mukhang nagkakamali sila. Cause..
This weakling has a secret.