Dominic's pov
Somethings wrong with that girl. She's acting weird. "Mr. Lee?" Nabalik ako sa realidad nang tawagin ng prof namin yung pilido ko. I raised my hand "Present." Ibinaling ko ulit yung tingin ko sakanya.
"Ms. Luthierforth?" Tinaas nung babaeng tinitigan ko kanina pa ang kamay nya, "Present." Andrea. Andrea ang pangalan nya sa pagkaka-alam ko. Siya yung laging nababalitaan na binubully dito sa University namin. Tinitigan ko sya. Nakasalamin na makapal, matangos naman ang ilong nya, pero punong-puno ng pimples ang mukha nya.
Nakayuko siya kaya hindi ko masyadong makita ang mukha nya. Bakit ba palagi nalang syang nakayuko? Tss. Natatakpan tuloy ng buhok yung mukha nya.
"Ay naks oh. Tinitigan nya si Andrea. Ano? Maganda ba?" Mapang-asar na sabi ni Jericho. Binatukan ko nga. "Ulol." Tumawa naman sya.
"Oh? Bakit?" Painosente nyang tanong. Hindi ko nalang pinansin ang ulol at tinitigan ulit si Andrea. Sumandal ako sa upuan ko at tinitigan sya habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak ko.
"Mukhang interesado ka sakanya ah?" Ngumisi ako. "Asa." Binaling ko ang atensyon ko kay Jericho. "Hinding hindi mangyayari yun." Muli kong tinitigan si Andrea. Kasinungalingan. Interesado ako sakanya. She's interesting. Para siyang isang puzzle na hindi mabuo-buo. Napakamisteryoso. And that's how I like it.
"Ok. Let's call it the day. Good day." Break time sa wakas. "Tara tol." Tinanguan ko nalang si jericho at naglakad na kami papuntang canteen. Ramdam ko ang bigat ng bawat titig ng mga estudyante na nandito sa canteen. All eyes are on us. Tumamihimik ang buong paligid.
Hindi ko nalang iyon pinansin at nilabas ang headset at cellphone ko. Kasalukuyan akong pumipili ng kanta ng maramdaman kong may tumama na kung ano sa dibdib ko.
Tinignan ko kung sino ang nakabunggo sakin.
Andrea..
"Punyeta naman oh!" Yumuko siya at pinulot ang mga libro na nahulog. Palabas. Palabas lang ang pagsigaw ko. Kunyare galit ako, pero hindi. Gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon niya, lalaban ba sya? O magpapakahina at magpapakatanga?
"Tatanga talaga kahit kailan!" Sigaw ko pa sakanya. Mas lalo syang yumuko at mas lalong tinakpan ang mukha nya. "S-sorry." Yun na yun? Hindi man lang siya lalaban?
"Bakit? May magagawa ba yang sorry mo huh?!" Sa pangalawang pagkakataon ay itinulak ko ulit sya. Nakatingin ang lahat ng tao samin. Mga tsismosa at tsismoso. Tss. Akala ko ay lalaban na sya, pero hindi parin. Tumayo lang ulit sya at pinulot ang mga libro na nahulog dahil sa pagkakatulak ko sakanya.
Nakakapagtaka, hindi man lang ba sya gagalit? Hindi man lang ba nya ko sisisihin? Hindi man lang ba sya lalaban? Malamang sa malamang ay may tinatago sya. Isang sikreto, na ayaw niyang ipaalam. Pero ano? Ano ang sikreto niya?
Aba't! Pipi ka ba huh?! Walang kwenta! Tatanga tanga na nga, hindi pa marunong magsalita. Punyeta tabi nga!" Tinulak ko ulit siya pero ngayon ay hindi na siya natumba ulit. Nilagpasan ko nalang siya. Ngunit bago pa ako makalayo ay nilingon ko sya. Paalis na sya.
Sinundan ko sya. "Tol! San ka pupunta?" Tanong nya. Tinapik ko ang braso nya. "May gagawin lang." Nginisian ko sya at tinahak ang direksyon na dinaanan ni Andrea. Hanggang sa nakarating ako sa lumang library.
Matagal na itong hindi nagagamit dahil may bago ng library ngayon. Pero, ano namang gagawin niya dito? Bakit sya nandito? Pawis na pawis ako at paniguradong gulo-gulo ang buhok ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at naglakad papunta sa may pinakasulok ng library, may ilaw naman pero pundi ito.
Nanlaki ang mata ko. Imposible! Tangina! Hindi ako pwedeng magkamali. Kitang-kita ko na dito pumasok si andrea.
Pero bakit hindi si andrea ang nasa harapan ko ngayon?
Ibang-iba sya kay andrea.
May hawak siyang cellphone at kulot ang dulo ng buhok nya, nakaside sya sakin kaya hindi ko siya masyadong makita.
Maya-maya pa ay lumingon siya sa direksyon ko at ngumisi.
Hawak nya yung salamin ni Andrea.. "Sino ka? Asan si Andrea?" Matigas kong pagkakabigkas. Ngunit isang ngisi lang ang ibinigay nya sakin at sa isang iglap ay nawalan ng ilaw. Tangina! Kumabog ang dibdib ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang flashlight. Napatalon ako sa gulat ng may maramdaman akong kamay sa balikat ko. Nilingon ko ito nang nakakunot ang noo.
"Andrea?" Tanong ko. Tangina? Suot nya ang salamin nya at medyo nakayuko ito sakin. Nahagip ng mata ko yung kaliwa nyang kamay may hawak hawak itong cellphone..
Kamukha nung cellphone nung babae kanina. What the hell? Imposibleng siya yung babaeng nakita ko kanina. Magkaibang-magkaiba yung itsura nila!
Andrea?
Sino ka ba talaga?
--
Nakasulat po ang buong chapter sa pov ni dominic hehe. Yun lang po. Salamat. :)
Follow niyo narin po ako sa twitter or sa Ig.
@ncoleshenry po yung username ko. Followback ko nalang po kayo. :---)
Also kindly add me on facebook: Shenry Shenry.
Sorry po sa mga typo's. And kung naguguluhan po kayo sa story. Pakisabi nalang po. Para po alam ko. :--) Kung may nakikita man po kayong mali sa nababasa nyo. Pakicomment nalang po, I will kindly edit this chapter just for you hehe. 13 yrs old palang po ako. Please bare with my story xD alam ko pong may maguguluhan hahaha. Anyway,
Lots of love guys! 😘 Happy February! Vote • Comment • Enjoy •