Chapter 3

7 1 0
                                    

Warning: Long chapter :))

--

"Andrea! Sandali!" Hinabol ko siya kaya napatigil naman siya at nilingon ako. Hingal na hingal ko siyang hinarap.

"May nakita ka bang babaeng dumaan doon?" Itinuro ko yung daan kung saan kami galing kanina. Ngunit umiling lang siya at yumuko.

"W-wala p-po eh." Nauutal nyang sabi. Tumango nalang ako at bumuntong hininga. "U-uh. M-mauna na ako. S-sige po." Yumuko siya lalo at tumakbo na papalayo. Gulong gulo ako ngayon.

Sino yung babaeng magandang hinahabol ko kani-kanina lang? Tangina. Imposibleng si Andrea yun! Magkaibang-magkaiba ang itsura nila. Blonde ang kulay nang buhok nung babaeng nakita ko kanina. Samantalang yung kay Andrea ay purong itim.

Kaya imposibleng siya yun. Pero nakakapagtaka. Kitang-kita nang dalawa kong mata kung pano lumiko yung babae, pero bakit pagliko ko si Andrea ang nakasalubong ko?

"Oy tol!"

"Tangina. Ano na naman?!" Sinamaan ko nang tingin si Jericho na kasalukuyang nakangisi sa harapan ko. Siraulo talaga ang ulol.

"Nagkakagusto ko na ba kay Andrea?" Tumawa ito at hinampas ang lamesa. Nasa canteen kami ngayon. Puros 3rd yr at 4th yr ang nandito dahil nagsiuwian na yung mga 1st at 2nd yr. "Tangina! Yes naman! Sa wakas! Hindi ka bakla! Akala ko hindi ka na magkakagusto eh!" Napailing nalang ako at sinapok siya.

"Tangina mo." Itinaas ko ang gitnang daliri ko sakanya dahilan para tumawa siya nang pagkalakas lakas. Napailing nalang ako. "Siraulo ka talaga."

"Teka, wag mong ibahin yung topic natin tol! Napaghahalataan ka tuloy." Ngumisi siya. "Natitipuhan mo na ba si Andrea huh? Sana pala sinabi mo na ganun ang type mo! Marami akong kakilala!" Napailing nalang ako sa katarantaduhan nitong siraulong to. Ako? Magugustuhan si Andrea? Ano bang kagusto-gusto sa kanya?

"Siraulo! Hindi ko gusto si Andrea." Ngumisi ako at umiling. "Lalo na't walang kagusto-gusto sa kanya." Tumingala ako at pumikit. Pumasok ang litrato nang isang babaeng blonde ang buhok at kulay asul ang mata, nakangisi ito sakin at tumakbo palayo. Napamulat ako nang magsalita si Jericho.

"Walang kagusto-gusto huh?" Tumawa ito. "Kaya pala balak mo siyang halikan kanina." Umiling ito at sinuntok ang braso ko. "Wag ka nang pabebe ulol! Sakin ka pa nahiya! Alam ko na style mo! Bulok ka talaga kahit kailan!"

Napailing nalang ako. "Wala akong balak na halikan siya." Ayokong sabihin ang dahilan kung bakit sobrang lapit nang mukha namin sa isa't-isa. Kahit na kaibigan ko pa siya. Mahirap na. Isa pa, baka tawanan lang ako nang ulol na to! Sabihin pa na nababaliw ako.

"Bakit sobrang lapit na mukha nyo kanina?" Nakangising tanong nya rsaka umiling at tumayo. Isinabit nya ang bag nya sa braso nya. "Alis na ko tol!" Sinuntok niya ko sa braso ko at nginisian. "Geh! Ingat sila sayo! Siraulo ka pa naman!" Tumawa naman siya at umalis na pero bago pa man siya makalayo ay may sinabi siya na lalong nagpagulo nang isip ko.

"Tungkol kay Andrea, ano ng ulit yung sinabi mo kanina? Walang kagusto-gusto sakanya?" Tumawa ito at lumingon nang kaunti para makita ako. Napakunot ang noo ko. "Nagkakamali ka dyan tol!" Ngumisi siya.

"Wag mo sana siyang husgahan kaagad, dahil sinasabi ko sayo, lahat nang parte nang katawan at ugali niya ay magugustuhan mo ... pag nakilala mo talaga siya."

"Isa pa, pagkapanganak palang ata nya wala na siyang ibang ginawa kundi protektahan ka." Humarap siya saakin at kinawayan ako atsaka tumakbo palayo. Tangina? Anong ibig sabihin nun? Protektahan? Saan? Baka naman ginagago na naman ako nang siraulong yun. Napailing nalang ako at tumayo na sa upuan at nagsimula nang maglakad palabas nang canteen dala-dala ang bag ko.

The weakling's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon