♕ Isabella's POV ♕
“Bella, si Kevin Oh.”
Bigla naman akong napatingin sa tinuturo ni Satella.
“Saan?” Hinanap ng mga mata ko ang apple of the eye nila.
“Ayun may kasamang girlalu.”
“Nanaman?!” Sigaw ko.
Mukhang bad idea talaga ang pag transfer ko ng school. Mabuti na lang at nakisama sa trip ko itong best friend ko. Kung hindi lang dahil sa kanya, baka kanina pa ‘ko nakapatay ng tao sa sobrang selos.
Kung sino-sino kasing babae ang kasama nitong si Kevin. Anak ng pusa, nagawa pa nilang mag PDA sa harap ko. Arggh!
“ Kalma rin pag may time ‘teh.” Pagpipigil sakin ni Satella.
Eh hinampas ko ba naman yung bag ko sa sahig, pinagtitinginan na kami ng mga students sa school, yung iba nga napagkamalan na akong baliw dito , yung bang kalalabas lang sa mental hospital.
“Pagsabihan mo nga si Kevin na maharot na yan, kapag hindi pa niya tinigilan ang makipaglandi sa mga babae niya, tatadtarin ko siya ng mga suntok!”
“As if masusuntok mo talaga, Alam kong Maharot nga pero mahal mo naman, ikaw ha.. masyado ka naman yatang obvious, girl. “ Pagkasabi niya nun, ay biglang Uminit ang pisngi ko.
“Tse. Dyan ka na nga, mauna na ‘ko dun sa classroom. Magkita na lang tayo mamaya.”
Magka-iba kasi ang classroom namin. Mabuti pa si Bestie.. kaklase niya si Kevin my labs sa Section A, pasalamat siya at matalino siya. Hmp.
Pagkarating ko sa room ay agad naman akong humanap ng seat, luckily may vacant seat dun sa isang guy, na nakatingin sa kawalan.. eh? Kawalan nga ba? Basta yun.
“uhm, pwede ba akong tumabi sayo?”
He looked at me and smiled. “Sure.”
Whaaaa! Ang Cute niya at ang pogi pa! May mga anghel rin pala dito maliban kay Kevin noh? Ang swerte ko, omgeee.
“So, ikaw pala yung transfer student, pero balita ko dalawa raw kayo, tama ba?” He instantly asked me.
“Ah eh, oo. Ako at yung best friend ko, kaso magkaiba kami ng section. “
“Hmm, I see. Welcome here.” Tumango siya at nagsmile ulit.
“Haha, Thank you. Ako nga pala si Isabella, just call me Bella nalang.” I smiled back at him.
“Nice to know you Bella, Ako naman si Clyde Your Classmate at the same time Classroom President. “
“Wow! Ikaw ang president? Pwede mo pala akong samahan maglibot-libot sa school campus mamaya?” Excited na sabi ko.
“Yep, It’s my duty.”
Andami pa naming pinag-usapan hanggang sa nakarating yung teacher sa classroom. Agad ba namang nagbigay ng test. It's a good thing na Nakakatuwang Kausap si Clyde, tsaka.. Good Mood na 'ko ngayon. Yehey! May bagong kaibigan naman akong nakilala.
~After Class ~
“Clyde, mamaya na lang tayo magkita may pupuntahan pa kasi ako.” May nakalimutan kasi akong ibigay kay Satella.
“Samahan na kita.”
“Talaga? Sige, ahm..tara na.”
Naglalakad kami papunta sa section A, nang bigla naming nakabangga si Kevin na sinusundan naman ni Satella.
“Uy Pare!” Bati ni Clyde kay Kevin.
“Yo Pare, saan ang lakad mo?” Bati rin ni Kevin.
“Bellaaaa!” Sigaw naman ni Bestie.
“Oh, Bella.. magkasama pala kayo ni Pareng Clyde.” Si Kevin na parang Hindi niya yata akong nakitang kasama ni Clyde.
“Tss.” Yun na lang ang sinagot ko. Syempre pakipot ako pag nasa harap na si Crush noh. Hindi ako Malandi katulad ng mga babae niya.
“Satella, Long time no see.” Pangiting sabi ni Clyde.
“Clyde! Whoa, nice to see you again.” Si Satella na nagsmile rin.
“Teka.. magkakilala kayo?” ako na tinuturo- turo si Satella at Clyde.
“mga 2 years ago na rin ata, hehehe.” Sabi ni bestie habang nakapeace sign pa.
“O’sige pre, Satella, Bella. Mauna na ‘ko. May hahabulin pa kasi ako eh.” Si Kevin na mukhang nagmamadali na.
“Kev – Teka.” Ako na akma sanang susundan si Kevin. Kaso, hinawakan ni Clyde yung kamay ko.
“Saan ka pupunta?” Tanong niya.
“Ahh, wala.. wala. Sige alis na rin ako. Bukas na lang ulit. Bye Clyde, Bye Bestie!” ako na agad namang kumaripas ang takbo.
Natakasan naman ako ng maharot na Kevin na yun. Argh.. Kainis!!
Before I forgot, Hindi pa pala ako nagpapakilala. I’m Isabella Marie Elizalde, the only daughter and soon to be heir of the Elizalde Group of Companies. A rich and gorgeous girl, kung iisipin nga nasa akin na ang lahat maliban na lang kay Kevin Woo na ultimate crush ko back from our childhood days until now.
Actually, we’re not schoolmates.. kasi dati sa All Boys School siya nag-aaral, pero ngayong nasa coed school na siya agad naman akong nag transfer schools para lang makasama siya.
BINABASA MO ANG
Loving You~
RomanceAng Love Story ng mag-childhood friends na parehong in-love sa isa't- isa. Makahanap kaya sila ng oras upang ipagtapat ang nararamdaman nila?