Teddy Bear

12 2 0
                                    

♕ Kevin's POV 

Totoo nga ang nabalitaan kong dito na si Bella mag-aaral. 

Naku naman.. paano na 'to?

Bigla nalang akong Napa face-palm sa sarili ko.

Mukhang sobrang galit na yun sa mga nakikita niya. Palagi kasi akong pinagdidikitan ng mga babae. Sorry naman, ipinanganak talagang gwapo eh. 

Ako pala si Kevin, cassanova ng school na ito. Syempre, I got the looks and the brains. Ako rin ang President ng Student Council dito. Childhood friend ko si Isabella while si Satella naman naging friend ko na rin kasi nga close rin sila ni Bella. 

Simula pagkabata mahal ko na talaga yang si Isabella na yan, kaso nga lang.. natatakot ako na baka masira ang friendship namin pag naging magka MU kami o dikaya Boyfriend-Girlfriend. 

Actually, pa-iba iba ang mga naging girlfriends ko.. Cassanova nga diba? Pero never akong naging seryoso sa kanila kasi naman may mahal na ako. 

Pinilit ko ang sarili kong mapalayo kay Bella, pero ano ba naman ang pumapasok sa kokote niya at naisipan niyang maging- schoolmates kami. Tch. 

"Aishh. Bahala na nga si Batman!" Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.

"Hey babe, wanna spend some time with me?" Si Yza. Isa pa 'tong nakakabatrip, kaka break lang namin kahapon ah. 

"Sorry babe, I have a date with my new girlfriend today." I smirked at her. 

"Aw, Sayang naman. Pero if you have time you can still have some fun with me okay?"  Sabi niya, in a flirty tone.

"Got it."  Tch. As if namang sasama ako noh. Mga babae talaga, mapilit kahit wala nang space para sa kanila. 

Once I'm through with a Girl, hindi ko na siya babalikan pa. I don't play with the same old toys over and over again, nakakasawa kaya. 

Kevs,  Kevs! "  Eh? May tumatawag sakin? 

I turned around and saw Satella approaching me. 

"Oh, May problema ba?"  tanong ko.

"Nakita mo ba si Bella? Bigla kasing umalis eh.. Akala ko pa naman sabay kaming uuwi." Malungkot na tugon niya.

" Uhh.. No. "  

" Eh? Pero.. parang sinusundan ka niya kanina ah?"  Agad niya namang sagot.

"Sinusundan?!" I exclaimed.

"Relax pre, alam mo.. nagtataka talaga ako sa inyong dalawa, parang palagi nalang high-blood, sigaw ng sigaw.. excuse me po, Hindi ako bingi!

Sus. Isa pa 'tong daming satsat. 

"Fine. I'll find her. Mauna ka nang umuwi.

"Yun oh! Salamat Kevs."  Pshh. May pa wink-wink pang nalalaman. 

Dali-Dali kong tinawagan si Manang Rosing. Yung Katulong nila Bella. 

"Hello Manang, Nakauwi na po ba si Bella?"

"Sir Kevin! Ahh, Opo.. Opo! Kanina pa nga po nakarating kaso mukhang masama ang pakiramdam.

"Sige po manang, pakisabi na lang na pupunta ako dyan.

"Ok po sir, masusunod."  

Binaba ko na yung phone at nagsimulang lumakad papunta sa parking lot ng School.

I immediately started my car's engine at nag drive papunta sa house nila Bella. 

I have my student's license kaya I'm already driving my own car. 

After a couple of minutes nakarating na rin ako sa bahay nila..

Manang Rosing opened the gate for me at sinamahan niya ako papunta sa room ni Bella.

* Knock Knock *

"Bella, Si Kevin 'to." sabi ko habang kumakatok sa room niya. 

"Anong ginagawa mo rito?!" Sigaw naman niya. 

"Masama na bang bumisita sa kaibigan ko?" 

♕ Isabella's POV 

Tsk. Kaibigan. Yun na nga eh, magkaibigan lang kami pero crush ko siya. Ang Saklap noh? 

"Whatever. Umalis ka na." I responded. 

"Sabi kasi ni Manang Rosing, masama raw ang pakiramdam mo." 

"Eh ano naman kung masama ang pakiramdam ko?

"Hmm, I was thinking.. maybe you needed me."  pagkarining ko nun biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Pakiramdam ko sobrang pula na ng pisngi ko ngayon, mabuti na lang at nasa labas pa siya ng room kung hindi.. Makikita niya akong kulay kamatis na rito!

"I- I don't Need You!"  sinabi ko bigla.

Ihhhh, kinikilig nako. Pero as always, pakipot portion, mahirap na.. baka mahalata niya pa.

"Okay, fine. Alis na 'ko. Nag stop over lang naman ako para kamustahin ka."

Aww.. Alis agad? 

Napaupo naman ako sa kama ko. 

"Okay, bye." malungkot na sabi ko. 

Ikaw kasi Isabella eh, pakipot pakipot pa.. eh nandiyan na nga yung tao. 

Siguro naka alis na si Kevin, wala na kasing ingay dun sa labas. 

I hugged my teddy bear.. Ito kasi yung teddy bear na bigay sakin ni Kevin nung 12th Birthday ko.

"Hey Ms. Teddy. Sa palagay mo, gusto rin kaya ako ng taong nagbigay sayo sakin?" Kinakausap ko ngayon yung teddy bear. 

"Pfft. As if namang magsasalita ka. Oh well, I just hope na sana.. He might like me just the way I like him.  Okay na sakin yun."  I smiled bitterly to myself at humiga na ulit sa bed ko habang yakap si Ms. Teddy. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving You~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon