P R O L O G U E

2.9K 62 6
                                    

**Sebastian's POV**

       Dali-dali akong tumakbo pataas papunta sa opisina ng may-ari ng mansyon na ito. Wala nang katok-katok ay agad kong binuksan ang pinto, siguro dahil narin sa sobrang taranta ko!

"Madam Eloisa!! May mga tao pong naghahanap sainyo sa ibaba, myembro daw po sila ng Archromanya!" sabi ko na kahit anong gawin kong pagpapahinahon sa sarili ko ay natataranta parin ako!

      I know this family has some sort of underground business at alam kong hindi laging "Legal" ang mga trabahong ginagawa nila, pero ngayon lang kami nakaranas ng ganito!

Maraming mga tao ang bigla nalang pumasok sa loob ng mansion na may dala-dalang armas! Sa totoo lang ay kanina pa akong kinakabahan pero wala man lang ni-isang bakas ng takot sa muka ni Madam Eloisa!

"Hmm? Anong sabi nila?" tanong nya habang nakatingin parin sa mga papeles na kanina nya pa binabasa.

"Hindi daw po sila manggugulo kung ibibigay nyo daw po ang gusto nila," sagot ko.

"At sina Mellow at EL? Anong ginagawa ng dalawa kong apo?" mahinahong tanong nya atsaka tiningnan ako ng maigi.

"Si Master Mellow po ay naglalaro kasama si Risei at si Master EL naman po ay iniwan kong natutulog," sagot ko.

    I've been in this Mansion for as long as I can remember! Simula ng pagkabata ko ay dito na ako lumaki, hanggang sa magka-asawa't anak, ay hindi ko parin iniwan at pinabayaan ang trabahong ito kahit na may kutob akong delikado itong pamilyang pinagsisilbihan ko.

     My Father was the head servant of this household and after he passed away, I took over his position and served as a butler of one of Madam's grandchildren.

     At oo, kahit na wala akong alam tungkol sa pamilyang ito ay handa akong ibigay ang buong buhay ko para sakanila!

I know it sounds stupid but, this Mansion, this Family-- I don't know when, but it started to become a part of me.

     Sa totoo lang ay kaya ako pumasok at nanilbihan sa lugar na'to ay hindi dahil sa magulang ko. I was curious! Soo, curious.

   My father raised me here after my mother left us. My father died serving this family-- Hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan kung bakit mas pinili nya and trabahong ito kaysa ang habulin ang sariling ina ko, but..

    There really is something about this family and the way they live their own different world.

"Sebastian! Itago mo silang dalawa at wag na wag kayong magpapakita o gagawa ng kahit anong ingay hanggat hindi sila umaalis ng bahay. Maliwanag ba?" napahinto ako sa pag-iisip ng muling magsalita si Madam Eloisa.

Ngumiti sya pero hindi rin ako sinagot.

"Sebastian, ikaw ang isa sa pinagkakatiwalaan ko pagdating sa mga apo ko. Kapag may nangyaring hindi maganda.. Ilayo mo sila dito at dalhin sa lugar na ito," sabi nya atsaka ini-abot sa akin ang isang kapirasong papel na naglalaman ng Address ng pagma-may-ari nilang paaralan malapit sa lugar na'to.

Arakarisma University. Dito rin ako pinag-aral ni Madam noong bata pa ako, hindi ito pangkaraniwang paaralan dahil hindi lang mga academics ang itinuturo dito.. pati na siguro ang pakikipag laban at patayan ay kailangan malaman ng mga estudyanteng nag-aaral dito.

Unravelling Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon