Pagkatapos ng ilang taong katahimikan sa tatlong kaharian, muli na namang nagkita-kita ang mga prinsipe na may kanya-kanyang dahilan.
Ang kasalukuyang tinataguriang pinaka-malalakas na Prinsipe na nanggaling sa kaharian ng Ampherloids ay muli ng natuklasan ang katotohanan sa likod ng nakaraan ng "kapatid" ng Haring kinikilala nila.
Ngayon ay kailangan nilang itaya ang buhay nila, pasukin ang isang kaharian na nagtatago-tago ng secretong matagal na nilang ini-imbestigahan.
Ang limang baguhang Prinsipe ng Asteris naman na patuloy parin ang pakikipaglaban sa kabila ng konting ka-alaman ay determinadong maging kasing-lakas ng iba pang prinsipe na katulad nila.
Pero alam ng bawat isa na hindi nila makakayanang makamit and kahilingan sa pamamagitan ng sarili lang nilang kapangyarihan. Kailangan nila ng tulong ng taong handang magturo sa kanila...
At ang dahilan ng kaguluhan, ang panghuli at panika-kinakatakutang kaharian ng Archromanya ay muli na namang kumikilos at pumapatay na animo'y walang matinong dahilan.
Pero wala nga ba? O noon palang ay naghahanda na sila para sa araw na pinakahihintay nila?
Ang tatlong kaharian ay muling nagkaharap-harap, magkakaiba man ang dahilan ngunit ang totoo ay andirito lang sila dahil sa kwento ng dalawang magkambal na simula ng araw na ipinaghiwalay ng tadhana, nagsimula ang istorya ng mga taong nakapaligid sa kanila.
__________________
Author's Note:WAIT WHAT? Mas naguluhan ako sa recap ko eh! Masyadong deep for me Haha pagpasensyahan nyo na po ako at ang aking sobrang tagal na update! I feel like I need to give you guys a recap of what happened but I'm so bad at it that it didn't look like a recap of the last chapters :/ So yeah, sorry about that! Kahit ako ay sobrang naguluhan. ('Yan kasi, di nag-update for almost a year *roll eyes*)
Anyways, next page! Next chapter ♥️
![](https://img.wattpad.com/cover/60591748-288-k415449.jpg)
BINABASA MO ANG
Unravelling Truth
Teen Fiction"I'm the reason behind all their lies. I'm the one who made them all smile while brutally killing someone.. I did this!! But none of them can see! It only takes five seconds to blow up the whole mansion. It only takes five seconds to believe a da...