[The full and revised version of "When I Was Thirteen" will be posted on Dreame/Yugto. Follow me @ Imbaaaaah]
---“Sigurado ka ba sa plano mo?” tanong sa akin ni Jessica. Sya ang kaisa isang kaibigan ko sa school na to. Wala naman kasing gustong makipag kaibigan sa akin dahil masungit daw ako. Pero hindi naman eh, gusto ko ngang maging friendly. Kaso sila mismo ang lumalayo. Ang iba naman ay lumalapit sa akin para i-bully ako.
“Oo. Sure ako. Sige na kasi. Sumama kana..” kanina ko pa kasi sya pinipilit na pumunta kami sa school ng kuya nya. Dun din kasi nag aaral si Johnny ehh. Dun din naman si kuya, kaya lang hindi naman sya sporty! Eh varsity ng soccer si Johnny pati na din ang kuya ni Jessica.
“I’m not sure. Baka magalit ang kuya ko pag nakita nya ako dun..”
“Please Jess?” nag puppy eyes with matching pouty lips na ako. Sana naman effective.
“No pa din. Hindi effective sa akin yan. Tsaka baka makita tayo ng kuya mo..” sabay ira at masungit na sabi nya.
“Please?” come on, Jessica! Pumayag ka na.
“No.”
“Please? Please? Please?”
“Still no..”
Hmm. May naisip na akong idea. Tignan lang natin kung makakatanggi ka pa sa akin. Akala mo ah. Mas matalino ako sayo, Jessica!
“Oh sige na nga. Wag nalang kung ayaw mo. Sayang, nasa Paris pa man din ngayon si mommy. Ipapabili pa naman sana kita sakanya ng gusto mong Gucci watch. Diba sa Paris lang available yun? I guess ipapa-cancel ko-“
“Ano pang tinatayo tayo mo dyan? Tara na nga at umalis na tayo!” sabay hila sa akin. See? I caught her weakness. Kahit kalian talaga hindi nya kayang i-resist ang mga suhol ko sakanya.
Sumakay na kami sa kotse nila. Good thing dahil wala pa ang sundo ko. Hindi kasi nila alam na half day lang kami ngayon. Plano ko talaga na hindi sabihin sa kanila kasi hindi ako makakapunta sa game nila Johnny pag nagkataon.
“Manong sa school nila kuya..” bungad agad ni Jess sa driver nila.
“Ano pong gagawin natin dun?” nagtatakang tanong naman nio.
“May game sina kuya. Manonood kami.”
“Teka ma’am. Diba bawal ang mga high school dun?” ang dami namang tanong, kuya!
“Alam ko.” Kibit balikat na sagot nya. Medyo mataray din talaga tong Jess na to, eh.
“Paano kayo makakapasok dun?”
“May plano na ako..” napatingin ako bigla sa kanya, kaya hindi ko na naiwasan na magtanong. “Anong plano mo?”
“You’ll see..” sus! Baka mamaya hindi effective yung plano nya. Pero tiwala naman ako sa kanya. Wala pa atang pumalpak sa mga plano ng babaeng to.
Umupo nalang ako at hinayaan syang kalikutin ang iPad nya. Ang techy talaga nya. Kabaligtaran naman nya ako. Books kasi ang madalas kong hawak, eh. Naimpluwensyahan lang kasi ako ni kuya at Johnny nung mga bata pa kami. I can still remember, Johnny tutored me how to recite the alphabet. Napangiti ako ng maalala ang pangyayaring yun.
“Like hello? Nandito na po tayo sa school ng KUYA KO.” Maldita talaga to. Talagang inemphasize pa nya ang kuya nya, ah? Siguro dahil ginawa naming reason ang kuya nya para makapunta sa school nila.
“I’m sorry. Spaced out.” tawa ko at binuksan na ang door. Ganun din sya. Sinabi naman nya sa driver nila na hintayin nalang kami sa labas.
Naglakad na kami papuntang gate. Grabe, ang laki talaga ng school nila. Five times bigger than our school. Halos tinitignan naman kami ng mga estudyanteng nandito. Nagtataka siguro sila kung anong ginagawa namin sa school nila, eh mga high school palang kami. Besides, talagang mapapansin kami agad kasi kami lang ang naka uniform. Halatang high school. Wala naman kasing uniform code dito sa school nila kuya, eh. Kaya kahit mag bra, panty, o briefs lang pwede na. Pero syempre joke lang yun. Baka makick-out ang gumawa nun.
BINABASA MO ANG
When I was Thirteen
RomanceI'm Patricia Angelica Briones, and this is my story WHEN I WAS THIRTEEN