Chapter 1

54 2 6
                                    

Chapter 1

ANGELICA SISON.

Smart. Attractive, pero hindi nagagandahan sa sarili. Minsan comedy pero maraming kadramahan sa buhay. She doesn't believe that she can be great like others. She thinks that she will never get what she wishes for, and that she is good for nothing kahit outstanding palagi sa klase.

NICK GARCIA.

Computer Engineering student. Matalino rin. Kasali sya sa dancetroupe ng school. Friendly. Masarap kausap at mahilig bumanat. I mean pick-up lines ah, hindi yung basag-ulo. Campus crush din sya dahil sa taglay nyang charm at killer smile.

Pareho silang freshmen sa college nung magkrus ang landas nila. Magkaiba ang personalities. Magkaiba ang circle of friends. Panu sila naging magbestfriend? Eto...

ANGELICA'S POV

Wow! Ang laki naman dito. Totoo na ba to? O baka nanaginip nanaman ako? Hindi, totoo na to. Eto na yun eh. Eto na tala---

"Angel! Huy! Anu pang ginagawa mo jan sa gate, ha? Ano balak mong tumunganga jan maghapon?!" Sigaw ni Mia. Ang napaka bungangera kong kaibigan.

Oo nga, hindi na ko nakagalaw sa gate magmula nung pumasok ako. Panu ba naman, ang lawak lawak. Hindi ako makapaniwala na dito ako magkokolehiyo. Dream come true kumbaga. Akala ko kasi hindi ako papasa sa scholarship na inaplayan ko. Panu ba naman mga taga private school yung kasabayan ko. Anung panama ng isang katulad kong galing sa public diba? Hindi man ako mag-aaral sa Ateneo, andito naman ako sa Colegio de San Juan de Letran. Oo, Letranista na ko! Woooo! Hahaha

Papunta kami sa registrar para magpavalidate ng ORF namin. Grabe ang haba ng pila! >__<

"Panu to Mia, panu tayo sisiksik neto andaming tao!" sabi ko. Nagulat ako ng bigla akong hatakin ni Mia papunta sa may window at nagsisisigaw

"MALAPIT NA HONG MAHIMATAY TONG KAIBIGAN KO! KUNG HINDI NYO KAMI PAUUNAHIN KAYO MAGBUBUHAT SA KANYA PAPUNTANG CLINIC!"

Waaaaah! Anu daw?!

Tinignan ako ni Mia ng umarte-ka-na-bruha-ka-look at patuloy sa paghila saken. Kunwari akong matutumba at humawak sa ulo ko para maniwala silang mahihimatay na ko. Isa isang nagsiusog ang mga kapwa naming estudyante na nakapila para makadaan kami. Huwaw! Naniwala talaga sila? Pede na ko mag-artista! Hahaha

"Effective ang pag-iinarte mo Angel!" bulong ni Mia saken. Maya-maya nasa tapat na kami ng window. May mga nagrereklamo sa likod, pero may mga naririnig din kaming concern. Iniabot na ni Mia ang form nya, sunod yung saken.

"Oh yan validated na. Tignan nyo na mga schedule nyo para makapasok na kayo sa una nyong subject." Sabi ni maam na hindi ko alam ang pangalan.

"Salamat po!" sabay naming sabi ni Mia. Dali dali kaming umalis sa registrar at baka makahalata pa sila.

"HAHAHAHAHAHAHA!"

"HAHAHAHAHAHAHA!"

Yan ang unang ginawa namin pagpasok ng cr. Mga baliw lungs. Hahaha. Tawang tawa kami sa prank namen na yun.

"Hanep ka Angel. Idol na kita mula ngayon! Bet na bet ko ang drama mo!" sabi ni Mia habang di pa rin natigil sa pagtawa.

"G*ga ka talaga Mia noh, panu kung nahuli tayo, edi napa-guidance tayo sa 1st day ng school naten." Sabay kotong ko kay Mia. Pero natatawa pa rin ako.

"Ang epic nga eh, nakita mo yung mga muka nila? Hahaha. Tsaka yung isang babae na nasa unahan na----"

"So, drama lang pala ang lahat ng yon ah? Cool."

WTF! MAY NAKARINIG SAMEN?!! I'M GONNA DIE!!!

Pagsilip namen ni Mia sa labas pinto....

Kami ---> O___O

Sya -----> ^____^v

A/N: Ayan! Hahaha. Ayos ba? Mukang hindi eh. :D Anyway kung nagustuhan nyo, comment lang kayo ha. Vote na rin para masaya. Haha. UD ako pag may atleast 10 views. :) Arigato!

Still into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon