Chapter 1

8 0 0
                                    

Busy si Krystal na pagdiskitahan ang bagong biling black lipstick matte ng bestfriend nang biglang may kumatok sa pintuan nila.

"Tao po!!"

" Andiyan na po! " ibinababa niya ang lipstick at tumungo sa may pintuan.

"Good morning, Ma'am--". Parang nabigla ang ang lalaking medyo may edad na nang tumingin ito sakanya.

Tumaas naman ang dalawang kilay ni Krystal.

May problema ba sa lipstick ko?

"Ahm, may padala po kayong mga sulat." Sabay abot ng sulat sakanya.

"Sulat? Kanino naman to galing?" Nakakunot ang noo nitong tinanggap ang mga sulat. "Sigurado ho ba kayong tama ang pinadalhan niyo ng mga sulat na 'to kuya?"

"Krystal Aviante po ba ang pangalan ninyo?"

"Ako nga po yun."

"Eh di hindi po ako nagkamali."

"Wow. Manong, chill. Nagtatanong lang."

"Papirma na lang po dito."
At binigay ang receiving sheet at ballpen. Pumirma naman si Krystal.

"Salamat po." Sabi ng postman.

"Salamat din." Atsaka isinara na niya ang pinto.

"Hmmm. From: Marcelius Antonio
Brgy. Pagkilatan, Batangas City
Isla Verde, Philippines.. Wow."

Sino si Marcelius?

Binuksan niya ang unang sobre.

Isang lumang sobre ang nakapaloob dito at tila nabasa na ang sulat dahil bukas na ito.

"Hmm..." Nilabas niya ng dahan dahan ang papel atsaka binasa.

Huminga siya ng malalim at binasa ito ng malakas..

"Minamahal kong Annalisa... ika-hulyo 24, 1968..
Kumusta ka? Sana'y sa susunod na linggo ay magkita na tayo.
Gabi-gabi kong ipinagdarasal na sana'y pumayag na ang iyong ama at ina sa pag-ibig na mayroon tayo para sa isa't isa.

Una palang kitang masilayan ay nahulog na ang puso ko sa'yo.. ikaw na,mahal ko. Alam kong ikaw na ang babae para sa akin..

Ang puso ko'y nanabik na makita ka at punuin ka ng pagmamahal.. Sana'y makita na kita, Annalisa. Sana.

Nagmamahal ng lubos,
Marcelius.."

Napayakap siya sa sulat. Kinilig siya sa nabasa.
Pagdating sa pag-ibig, hulog na hulog si Krystal.

"Oh pag ibig nga naman..." Biglang sambit ng kanyang kakarating lang na bestfriend. Call center agent kasi ito kaya sa umaga ang dating.
"Anong trip yan?"

"Hindi ko nga alam e. Para saken yung sulat pero ganito naman ang laman. Love letter. Vintage nga lang." ibinababa niya ang mga sulat sa lamesa.

"Oh? Patingin nga." Tsaka kinuha ang nabuksan na sulat.

"Isla Verde.. Batangas.." Napaisip ang bestfriend niyang si Fern.
"Baka naman nagkamali ng padala pero.." binasa ang labas ng sobre. "Sayo nakaaddress. Weird."
"July 24, 1958..panahon pa yan ng lolo't lola ko e."

"Patingin nga ulit!" Inagaw ni Krystal ang sulat.
"Puntahan ko kaya?"

"Sa Batangas?! Hibang ka ba?" Nagbukas ng ref si Fern. "Anong ulam?"

"Nag gisa ako ng corned beef. Kain ka na."
Umupo ito sa may upuan sa gitna ng hapagkainan. "Fern, matagal na akong hibang tsaka.. sa tingin ko ang ganda ng love story nilang dalawa.. nagkatuluyan siguro sila."
Nagpangalumbaba ito.

"Krys, maganda ka. May marangal na trabaho. Mabait na bestfriend. Malambing. Matalino. Maaasahan. Masipag. Masarap magluto." Sabay subo ng kanin na may halong corned beef.
"At higit sa lahat, tanga."

Biglang inalis ni Krystal ang kamay sa ilalim ng kanyang baba. "Alam mo ikaw, maganda na sana e. Ang pangit lang ng ending."
Tumayo ito at ipinagtimpla ng kape ang kaibigan.

"It's true. You're so naive in so many ways..lalo na sa love."

"Palibahasa kasi ikaw may boyfriend na."

Ibinigay niya ang kape sa kaibigan atska na pumasok sa kuwarto niya dala ang mga sulat.

"Inggit much? Alam mo Krys, darating din yan. Basta pag nagkacrush ka pigil pigil din muna para di masaktan."

"Paano ba?"

"Mag set ka ng standard."

"Pag iisipan ko."

"Ikaw bahala. Tsaka oo nga pala.." sabay turo sa lips ni Krystal. "Di bagay sa manipis mong labi. Burahi mo na."

"Che!" At umalis na diretso sa kuwarto niya.

"Love you, Krys!" Pahabol na sigaw ni Fern.

Letters To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon