Para di ma-fall agad, kailangan may standards.
There must be one strict rule though; stick to your standards kahit sobrang guwapo at charming ng lalaki sa harap mo.STICK TO YOUR STANDARDS STRICTLY!
Gabi ng Biyernes at paikot-ikot sa kuwarto si Krystal habang nag iisip ng standards niya.
Nakakaapat pa lang siya.1. Dapat may maganda at marangal na trabaho.
2. Charming eyes. Dapat mahaba ang pilikmata.
3. Matangkad. Lagpas 6" dahil 5"2 lang siya.
- para hindi naman maging pandak ang magiging anak nila
4. TALL, DARK and HANDSOMEOo, namention na niya ang matangkad sa pangatlo kaso hindi maganda kapag "dark and handsome" lang
"Hmmm. Ano pa ba?" Kinagat niya ang ibaba ng labi niya at pinaglaruan ang ballpen na hawak.
"Alam ko na!!"
"Number 5. Dapat magaling magluto!"
Biglang may pumasok sa kuwarto niya.
"Oh? Wala kang work?"
Tanong niya kay Fern na humiga sa kama niya."Tinatamad ako e."
Naisipan ni Krystal na sabihin na kay Fern ang tungkol sa desisyon niyang pagpunta sa Batangas at ibalik ang mga sulat sa may-ari.
"Fern."
"Oh?"
"Punta ako ng Batangas bukas."
"Huh? Para san? May clien---". Bigla siyang napaupo sa pagkakahiga. "Wag mong sabihin saken na pupuntahan mo si Marcelius?!"
"Ah hehehe." Umupo siya at tinabihan si Fern.
"Hindi lang naman yun. I think I need this. I need a break. Naisipan ko na after ko ibalik ang mga sulat, magbabakasyon ako. Mag uunwind lang ako.""Daya mo! Nagpaplano ka ng di nagsasabi. Ikaw lang mag isa?"
Sabay silang humiga ulit sa kama habang naka-stretch ang mga kamay nila sa itaas ng mga ulo nila.
"Hm. Yes. Sorry na." Humarap siya dito. "Biglaan din kasi and honestly, sa tingin ko hindi ako matatahimik kapag di ko naibalik mga sulat."
Huminga ng malalim ang bestfriend niya.
"Sigurado ka ba? Gusto mo bang samahan kita?"
"Eih. Sorry talaga but this time, gusto ko muna mapag isa. Alam mo yun, sometimes talaga kailangan natin ng alone time para marealize natin ang mga bagay-bagay."
"Hahaha. Ang lalim mo ngayon a. Sige na nga! Basta tawagan mo lang ako kung nagkaproblema or kailangan mo ng tulong."
"I'm really thankful na may bestfriend akong katulad mo."
Sabay yakap kay Fern. "Thank you, Fern.""Pasalubong ko a."
Natawa na lang si Krystal.
Sabay nilang tinapos ang standards at nauwi sila sa 10 standards.
1. Dapat may maganda at marangal na trabaho.
2. Charming eyes. Dapat mahaba ang pilikmata.
3. Matangkad. Lagpas 6" dahil 5"2 lang siya.
- para hindi naman maging pandak ang magiging anak nila
4. TALL, DARK and HANDSOME
5. Magaling magluto.
6. Marunong mag gitara at kumanta.
7. Mahilig mag-travel at sa mga extremes na bagay.
8. Hindi kuripot.
9. Mahilig sa mga bata.
10. May takot sa Diyos.Alas-kuwatro palang ng madaling araw, bumiyahe na si Krystal papuntang Batangas. Sa Cubao na siya sumakay at bumaba sa terminal sa Batangas. Sumakay siya ng trike patungo sa port kung saan siya sasakay ng bangka patungong Isla Verde.
BINABASA MO ANG
Letters To Love
RomanceKrystal Aviante thought she had experienced too much heart breaks more than any person there is living. She thought she had enough, she's determined to set the barriers high, but when she mysteriously received old love letters that were not really f...