Chapter three

6.5K 74 13
                                    

The guy looked breathtakingly handsome!Hindi kasinggandang lalaki ni Takehiro Matsunaga ito.

Pero dapat ay walang maging comparison ang mga ito. Iba ang category ng gandang lalaki nito pero iisa ang level.

Napakagwapong taga linis naman nito. Magkano kaya ang sweldo niya rito at ako na lang ang mgapapsweldo sa kanya bilang taga linis ng bahay ko.

Pinagtawanan lang niya ang kanyang iniisip. Nabubruha na naman siya. Ganoon talaga ang epekto kapag nababad ka sa napakainit na sikat ng araw. Nakakatuyo ng utak.

“Good Afternoon,” bati nito. Nauna pang ngumiti ang mga mata nito kaysa sa labi. And those lips..Ganon tlaga kapupula ang mga iyon? O may lipstick lang ito? Bakit ba masyado siayng curious sa isang ito? Di hamak na mas gwapo naman si Alden Martin niya kasya rito. Okay, she admit this guy has the body and the looks. Pero wala namang utak ito.

Dahil kung ginagamit nito ang utak nito, sa pisikal na hitsura nito ay dapat pinagkakakitaan nito ang mga assets niya. Pero wala. Hindi sa minamaliit niya ang trabaho nito, naiinis lang siya sa mga taong kontento na sa kung anong mayroon ito. Mas gusto niya ang mga taong may panagarap sa buhay. Katulad ni Alden.. Hawak ang spray bottle, tuluyan ng humarap ito sa kanya. He was really tall.

“Miss…mahangin ba sa labas?” Ngalingaling mapasinghal siya ng malakas. Sira ulo!

“oo. Bakit may reklamo ka ba sa itsura ko?”                                                                                 

“Wala naman.” May kislap sa mga mata nito habang pinagmamasdan siya.

“Natutuwa lang ako sa mga babaeng kahit magulo ang…mundo, ay hindi pa rin natititnag.” Never mind that? Ang galling naming mag Ingles nito. Pero sa halip na hangaan niya ito ay lalo lang nadagdagan an g disappointment niya rito. May pinag aralan naman pala ito pero bakit hindi ginamit? Hay naku, ang mga tamad nga naman sa mundo. Sana kunin na lang sila ni Lord.

“Excuse me.” Binuksan niya ng bahagya ang pinto ng restroom.

“Padaan sandali.” In other words,lumaya s ka sa harap ko!

“Ah.” Nagmamagandang loob naman itong buksan ang pinto ng restroom para sa kanya.

“Huwag ka masyadong magpaganda,ha? Para hindi ka pagkaguluhan ng mga lalaki dito.”

“Alam ko.” Nilingon niya muna ito bago siya tuluyang pumasok. “

Thank you. Siyanga pala, kapag nagtangka ka ng kahit anong masama…”Itinaas nito ang kanyang kamao sa mukha nito. “Dudurugin ko iyang gandang lalaki mo.”

Ngumiti lamang ito. “Huwag kang mag-alala. Kahit ganito ako, mabait naman akong tao.” Inayos pa nito ang buhok niyang dumikit sa kanyang pisngi. “I like your hair.” Tinapik niya ang kamay nito.

“I don’t need your opinion.”

“It’s a compliment.” He even brushed his fingers through her hair and gave her satisfied smile. “Just as I thought.” “Ha?”

“Nothing,” sabi nito bago iminuwestra ang restroom.

“Sige na, pumasok ka na.Babantayan kita.Hindi ako magpapapasok dito ng kahit sino hangga’t hindi ka nakakalabas.” Nakakunot pa din ang kanyang noo nang makapaok siya sa loob ng restroom. Ano kaya ang problema ng isang iyon? Kung kumilos at magsalita sa aking napakakomportable. Samantalang ngayon nga lang kami nagkakilala.

“Teka bakit ko pinag-aaksayan ng panahon ang lalaking iyon?” tanong niya sa sarili nang humarap siya sa salamin. Napangiwi na lang siya nang Makita ang sarili.

“Hindi ako ito.” Inilabas niya ang kanyang suklay at make-up, habang sa kanyang isipay patuloy ang pag-ikot ng imahe ng lalaking nakilala niya sa labas ng restroom. Hinaplos niya ang kanyang buhok habang nagsusuklay. KAhit magulo iyon ay maganda at madulas pa din ito, kaya siguro pinuri siya ng lalaki kanina. Epektibo ang Stallion shampoo niya, sa dami ba naman niyang binili nuong nagkaroon ng raffle.

“Makabili nga uli ng dalwang dosena mamaya.” Lumabas na si Lali ng makapag retouch siya. Naroon pa rin ang lalaki sa labas at pinagmamasdan ang mga naka display na halaman. Napakunot ang kanyang noo nang hindi na niya matandaan kung anong silid ang sinabi ng receptionist na opisina ni Mr. Kotler Villafuerte. Binalikan niya ang lalaki.

“Excuse me, pwedeng magtanong?” Nakangiti naman ito nang bumaling sa kanya. “Nagtatanong ka na.” At lalong nag init ang ulo ni Lali dahil sa pamimilosopo nito.

“Biro lang, tungkol saan ba?” Hindi na niya pinatulan ang pamimilosopo sa kanya nito.

“SAan ang opisina ni Mr. Villafuerte?”

“Ano ang kailangan mo sa kanya?”

Mataray siayng sumagot. “I have an important meeting with him regarding some business. He knows that.” “Ah okay, sumunod ka na laang sa akin.”

“Alam mo ba?”

“Oo naman.”

Sumunod naman siya rito. Ang problema lang ay bawat madaanang halamn ay iniipreyhan niya ito ng dala niyang spray bottle.

“Excuse me, pwede bang pansamantala mo na munang kalimutan ang iyong kahumalingan sa Mothe Earth?Kasi alam mo nagmamadali ako.” Hindi naman siya pinansin nito. “Tamang tama nandito na tayo.” Pinihit nito ang pinto ng katapat nilang silid at saka binuksan iyon para sa kanya.

“Come in.”

SA biglaang pagbabago ng takbo ng kanilang usapan ay hindi na yata nakapaghanada pa ang sistema niya kaya tinanggap agad niya ang alok.

“Thanks,” sambit nito pagpasok sa silid.

Sumunod din ito sa kanya pagpasok sa silid. Sisitahin niya sana ito kung hindi lang niya napansin an napak at-ease nito roon. It seemed like he frequented that room.Like…he owned it. Napakagat labi siya nang maupo ito sa gilid ng mahogany table na naroon at hubarin ang suot na robber gloves.

“So,” wika nito nang balingan siya.

“What is this business again that ypu wanted to discuss?” Pasensiya na kung nakalimutan ko sa dami ng inasikaso ko nitong nakraag araw, lalo na yung mga halaman. I should have called up my secretary to explain it to me. Pero nandito ka na rin lang naman, ikaw na ang magpaalala sa akin.”

Nakatanga na lang siya dito at tila ba parang napipi. Kung ganoon…ito ang may-ari ng buong gusaling iyon!Ang kanyang baging kliyente!Si Kotler Villafuerte!

----------------- Thanks for reading guys, sana magustuhan niyo ito.J Xie xie.. wait na lang po ulit for the updates..Please vote :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Shuai StallionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon