Love letter part 1

22 0 0
                                    

Mahal,

  Sa dami ng nais sabihin, hindi ko alam kung ano ang uunahin. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na ikaw ay naging akin. Sa mga buwan ng panliligaw ko sayo, hindi ako makapaniwala na kinaya ko lahat ng pagsubok mo. Hindi ko napansin na aking na-tiis ang iba'-ibang paraan ng pagiging topak mo. Oo, aaminin ko minsan ay gusto ko nang bumigay dahil hindi ko na kinakaya pero sa bawat bagong umaga na dumadating nagiging bago muli ang aking pag tingin sayo. Sa bawat sikat ng araw kaakibat nito ay bagong liwanag ng pag-ibig ko para sayo. Siguro nga ganito ang nagmamahal, hindi sumusuko. Alam kong lahat ay may kapalit. Ang pagtyag ko noon ay may naging kapalit, ikaw yun mahal. Marami pa akong gustong sabihin pero nakakalungot na hanggang dito lang muna dahil sa dami ng aking gagawin. Tandaan mo na kahit tambak pa ang gawain palagi ka sa isip ko.

      Nagmamahal, hal.

Love LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon