Dear crush,
Hi, matagal na akong humahanga sayo. Hindi ko lang masabi kasi natatakot ako. Sa totoo lang kahit na sa simpleng usapan basta pag ikaw kausap ko na uutal ako. Hindi mo siguro napapansin pero matagal na kitang pinagmamasdan. Nakita ko na kung paano ka tumawa, yung tawang parang walang bukas. Aaminin ko na sa twing ikaw ay ngumingitin napapangiti na rin ako. Nakita ko na rin kung paano ka malungkot. Sa totoo lang mas nalulungkot ako. Maraming beses na kitang nakita na umiyak, lalo na nung nagkaron ka ng family problem at nung nakipaghiwalay sayo boyfriend mo. Sa mga oras na iyon gusto kitang saluhin, yakapin at sabihing "ayos lang yan, nandito lang ako". Kapag naman tinatanong kita palagi mong sinasabi "ok lang ako". Namamangha ako sayo dahil sa kabila ng mga ito kaya mo parin manatili sa top ng klase.
Marie, sa panahon ngayon, alam kong Laos na ang pag gawa ng liham para maipadama sayo ang nararamdaman ko pero ito lang ang alam ko. Sa ganitong paraan lang ako nagkakaroon ng lakas ng loob para maipalaam sayo ang damdamin ko. Hindi ko masabi sayo ito ng harapan kasi nga natatakot ako. Natatakot ako na baka pati ang pag kakaibigan natin ay masira. Natatakot akong baka lumayo ka pero hindi ko na kaya pang itago ito. Mas nasasaktan ako sa bawat araw na lumipas na sinesekreto ko ito. Sana pag nalaman mo na mahal kita wag kang lumayo. Kundi mo man ako gusto sana maging magkaibigan parin tayo.
Nagmamahal, van
BINABASA MO ANG
Love Letters
RomanceMga love letter na na-isulat, sinusulat, at isusulat (medyo may hugot). Lahat ng pangalang nakasaad sa bawat liham ay hindi tumutukoy sa ibang tao.