Status Update #3

26 0 0
                                    

Status Update:

What's with them?

Weird. Yan ang masasabi ko sa mga kaibigan ko ngayon. Pagpasok ko palang ng school nakangiti silang apat sa akin. Yun ngiti nila na parang may tinatago pero hinayaan ko nalang dahil sometimes may pagkaweird din naman itong mga bestfriends ko pero parang masama ang kutob ko na may binabalak sila hayyy im being paranoid.

Lunch time tanong ng tanong sila sa akin kung ano daw ba gusto ko sa isang lalake.

“sha, anong gusto mo sa isang lalake?” tanong ni colyn habang nakapatong ang kanyang dalawang kamay sa mesa at si anna naman ay nakaupo sa katabi kong silya may hawak siyang notebook at ballpen habang tumitingin sa akin with a questioning stare.

“ha? Wala.” Walang gana kong sagot habang kinakain ang sandwich na binili ko.

“ha?! So ok lang sayo kahit bungi o kalbo yun lalake?” grabe naman to’ si colyn (_ _  )>

“hindi naman sa ganun wala pa kasi akong panahon sa mga ganyang bagay at kung mahal ko siya kahit ano pa siya mahal ko parin siya.” Nakita ko na isinusulat ni anna lahat ng sinasabi ko. Okay? May hindi ba akong alam na tinatago nila? >_< daya! Bestfriends never keep secrets from eachother.

“so ok lang sayo kalbo or bungi?” tanong nila ulit.

(_ _ )    (?_?) (<_<)

Lord help me!

During P.E kinulit naman ako nila lea at Andrei.

“sha yun oh cute.” Turo ni lea sa matabang estudyante na kulang na lang kung kakainin pa niya yun burger tatalsik ang mga butones niya haha . sorry lord for being judgemental ToT

Umiling lang ako kay lea na nakaupo sa may bleachers malapit kung saan kami naglalaro ng team mates ko ng volleyball. I need to focus. Focus angel! Focus. I was dribbling the ball ready to serve ng

“angelie, si kurt oh diba naging crush mo yun.” Sigaw ni andrei sa akin na nag-echo sa buong gym kaya imbes yun bola ang mapalo ko yun hangin ang natamaan ko >////< nakita kong tumawa ng mahina ang mga team mates ko sa ginawa ko feel na feel ko pa naman yun pagtira (> ////< )

Tinignan ko si Andrei at nakita ko siya nakatakip ang isa niyang kamay sa may bibig niya at nag peace sign

“SHA!”

 WAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!! ANDREI! ToT

“best ayan na siya papalapit na siya.” Kinikilig na sabi ni lea habang niyuyugyog si Andrei na tila parang nahihilo dahil sa bilis ng pagkayugyog ni lea,

“hi sha!” masayang bati ni kurt sa bandang likuran ko. Dahan-dahan naman akong lumingon sa kanya.

“h-hi kurt.” Kinakabahan kong sabi sa kanya. May pagka obsessed kasi sa akin si kurt -__- to the point nung 1st year kami sunod ng sunod siya sa akin kahit uwian papunta sa bahay ko tapos lahat ng pupuntahan ko at mga bagay na may connect sa akin alam niya kaya naiilang ako sa kanya.

“sooo narinig ko ang sinabi ni Andrei!” he smirked. Mabait naman si kurt, gwapo, matalino at isa nga siya heartthrob sa campus namin hindi ko nga alam  kung bakit siya nagkagusto saakin.

“ah hehe nagjojoke lang yun si Andrei at alam mo na diba na wala akong interes na kahit na sinong lalake.” Nagusap na kasi kami nung malapit na magclosing nung first year kami I confronted him about the things he do sinabi ko sa kanya lahat-lahat sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko ayaw ko siyang umasa at lalo ayaw ko siyang masaktan.

“ah ganuna ba?” nahihiya niyang sabi. Nakaramdam naman ako ng konsensya dahil parang napahiya siya kaya pinat ko siya sa may shoulder niya at ngumiti sa kanya.

No Boyfriend Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon