- JC ALVAREZ - 16 years old, romantic, has been searching for the right girl for him.
- KELLY FORTALEZA - 15 years old, kind of a rebel, promised to never love again.
******************************
-JC-
Maybe I'm wrong
Maybe I'm right
Maybe I just let you walk by
What can I say?
Maybe I've known you all my life
Is she the one? Is it today?
Will I turn the corner?
See my future in a beautiful face
Maybe.
Nagtataka siguro kayo kung ano yung nakalagay sa taas na yun noh? Sasabihin ko na sa inyo, yun yung parang, sabihin na lang natin na, paborito kong part sa kanta ni David Archuleta na ‘My Kind Of Perfect’, at pangalawa, iyon yung part na mostly nakarelate ako. I’m on a quest kasi ngayon eh, hindi literally na makikipaglaban ako sa mga kung ano-anong kasamaan diyan, I’m on a quest to find the right girl for me.
Nandito ko ngayon sa kwarto ko, hindi na nagmamayabang pero ang dad ko ang may ari sa isa sa mga pinakasikat na hotel dito sa Manila. Kaya siguro na gets niyo na, na puno yung kwarto ng mga kung anu-anong gadgets, at siyempre iba’t-ibang klaseng gitara, at instruments. I’m kind of a musical type of guy.
Naghihintay kasi ako na tawagin na ko ni Dad, para ihatid sa academy.
“JC, c’mon. You’re going to be late” tawag ni Dad.
Binaba ko yung gitara ko sa kama ko, kinuha ko yung backpack ko, tapos tumakbo ako pababa ng hagdan. Buti na lang, hindi ako nahulog. Salamat na lang rin, kasi hindi naman required yung pag-uuniform sa school namin, kaya naka converse lang ako.
Pagkarating ko sa baba, naghihintay na si Dad sa harap ng kotse. Kaya lumabas ako agad ng bahay, tapos ng gate at sumakay agad ng kotse.
“Bye, Dad” sabi ko, nung nakarating na kami sa harap ng Academy. Nag-goodbye din sakin si Dad, tapos umalis na.
Linagay ko yung headset ko, tapos nakinig ako sa kantang ‘Forevermore’, siguro nahulaan niyo na yun, by David Archuleta. I really love his style in music. At kung magkakaroon man ako ng girlfriend, kakantahan ko siya ng kantang to.
Habang naglalakad ako papunta sa classroom namin, may nakita akong grupo ng lalaki na nakapalibot sa isang tao. Hindi ko matukoy kung babae ba yun o lalaki, pero isa lang sinabi ng puso ko, tulungan ko raw kung sino man yung nasa gitna ng grupo ng mga lalaki na yun.
Tinanggal ko yung headset ko at ilinagay sa bag ko, kasama ng cellphone ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa likod ng puno kung saan sa harapan ng puno ay nagtipon ang mga lalaki na nakapalibot sa iisang tao.
“Tama na!” sabi ng tao na nasa gitna ng mga lalaki, at dahil doon nalaman ko na babae yung pinapalibutan nila.
“All of you in my office! Now!” sabi ko. Oo, ako nagsabi nun. Secret, secret na lang natin ‘to, pero pinagpracticean ko na yung boses ng principal namin. For emergency purposes lang, like now.
Nagkumaripas sa pagtakbo yung mga lalaki.
“Duwag!” sigaw ko sa kanila.
Nakita ko yung babaeng pinalibutan kanina ng mga lalaki. Naka-all black siya. Ang himala talaga dun, ay kasi hindi man lang siya umiyak sa ginawa ng mga lalaki sa kanya, hinala ko binugbog siya ng mga lalaking yun. May black-eye pa tuloy siya, tapos ilang galos, siguro sa pagkakatulak sa kanya ng mga ulupong na yun. Mga Loko-loko yun ah! Dapat mareport yun sa principal!
Linapitan ko yung babae, at inabot ko yung kamay ko sa kanya para tulungan siyang tumayo. Kinuha niya yung kamay ko, at tinulungan ko siyang tumayo.
“Ms, dapat isumbong natin yun sa mga principal, hindi pwedeng palagi ka na lang nilang ginaganyan. At ok ka lang ba?” sabi ko sa kanya.
“Wag na, at Oo, sana’y na naman ako eh” sabi niya sakin, nang nakatayo na siya at pinagpagan yung mga gamit niya.
“Oh” sabi ko, tapos inabot ko sa kanya yung sunglass ko, alam niyo na pangcover ng black-eye niya. Totoo lang, hindi niya naman kailangan yung sunglass eh, maganda pa rin naman siya. Kaso nga lang baka mahiya siya eh.
“Thanks” sabi niya, tapos sinuot niya yung sunglass niya.
Tatanong ko pa lang sana kung ano yung pangalan niya, nang bigla siyang tumakbo papalayo sa akin. Parang gusto ko tuloy batukan yung sarili ko ng ilang beses eh. Bobo mo naman JC! Bakit di mo natanong yung pangalan niya!
Naglakad ulit ako papunta sa classroom namin, baka kasi na late na ako eh. Ayaw pa naman yun ni Dad. Linagay ko ulit yung headset ko na kinuha ko ulit galing sa pagkakalagay ko sa backpack ko, at nakinig ulit sa kantang pinapakinggan ko kanina. Nang naisip ko bigla, yung nameet kong babae kanina?
Is she the right girl for me?
***********************************
AN: I’ll try to write longer chapters, if ever mayroon po na magkakagusto sa kwento ko. :D . At kung magustuhan niyo po ito, isasama ko po itong itutuloy kasama ng iba ko pong story. :D
![](https://img.wattpad.com/cover/7042064-288-ka6abd4.jpg)
YOU ARE READING
MY KIND OF PERFECT
Novela JuvenilWhat if someone who's been searching for the right girl for him, falls in love with a girl who promised to NEVER love again? Will he change her mind? Or will he be heartbroken?